Chapter Nineteen

103K 4.7K 2.4K
                                    

Chapter Nineteen

Nagising si Andrew na may nararamdamang kirot sa likod ng kanyang ulo. Binuksan niya ang kanyang mga mata at iginala ang tingin sa paligid. Nasa isang di pamilyar siyang lugar at bukod doon ay nararamdaman niya ang tila pag-galaw ng sahig. Lindol?

Nakagapos ang kanyang mga kamay sa kanyang likod gamit ang lubid. Nakaupo sila sa sahig. Kasama niya si Noah na naunang nagising sa kanya. Tahimik itong nakatingin sa pinto ng silid.

"Noah, nasaan tayo?"

"Naaalala mo ba kung ano ang nangyari kanina?"

"Shit." Inisip ni Andrew ang huli niyang natatandaan. "Nahuli tayo?"

"Oo. Dinala nila tayo dito sa barko."

"Kaya pala pakiramdam ko, nahihilo ako." Huminga nang malalim si Andrew at inalis ang pag-aalala sa kanilang sitwasyon. Kailangan niyang maka-isip ng paraan kung paano makakaalis.

"May nagbabantay sa labas ng pinto," sabi ni Noah na tumingin sa kanya. "Kung may gagawin ka, mamaya mo na ituloy. Kailangan mailabas nila tayo rito at malaman kung ano ang sitwasyon."

"May plano ka?" tanong ni Andrew.

"Siguradong si Yngrid ang pakay nila. Kailangan nating malaman kung nasaan si Yngrid bago tayo kumilos. Sa ngayon, huminahon ka muna."

"Si Ate Yngrid." Napuno ng pag-aalala si Andrew. Alam niyang malakas si Yngrid. Kung gugustuhin nito, kaya nitong lumaban. Pero kung ginamit silang dalawa ni Noah bilang hostage, sigurado siyang pupunta si Yngrid.

"Hindi pa nila nakukuha ang disc mula sa akin. Kaya sigurado ako na hindi pa nila kukunin ang buhay ko. Kailangan ka nila para makuha si Yngrid. Sa ngayon, ito pa lang ang sigurado. Wala siyang gagawin na hakbang hangga't hindi niya nakukuha ang dalawang bagay na gusto niya," paliwanag ni Noah.

"Paano si Ate Sabina?" tanong ni Andrew.

Umigting ang panga ni Noah. "Walang kailangan sa kanya ang propesor kaya walang dahilan para habulin siya ng mga tauhan nito."

Tumango si Andrew. "Magkasama sila ni Ate Yn. Okay lang si Ate Sab." Bumuntong hininga si Andrew. "Natatakot ka ba na mamatay Noah?"

"Nakahanda akong mamatay. Simula nang mangyari ang insidenteng iyon sampung taon na ang nakakaraan, alam kong hindi rin magtatagal ang buhay ko."

"Si Ate Yngrid nalang ang natitira sa akin. Naghintay kami ng sampung taon para makasama siya ulit. Siya nalang ang natitirang pamilya ko. Hindi ko siya hahayaan na mawala ulit, Noah. Kaya naman, kung sakali na kailangan natin pumili..."

"Alam ko. Gusto ko rin siyang iligtas kahit na kapalit pa ang buhay ko." Sa pagkakataon na ito, ililigtas ko siya.

***

Nang makalapit sa barko si Yngrid at ang lalaking kasama niya, kaagad silang napaligiran ng mga tauhan ng propesor. Itinutok sa kanya ang napakaraming baril. May na-detect din siyang mga snipers di kalayuan. Isa... dalawa... dalawampu at isa ang mga lalaki na nakapaligid sa kanya. May anim na snipers naman na nakatago.

Tumakbo palayo sa kanya ang lalaking kasama niya. May ginawa itong ingay na pinagsamang sigaw at iyak dala ng takot nito sa kanya. Alam niyang kanina pa ito natatakot sa kanya, rinig niya ang malakas na tibok ng puso nito. Mukhang kahit na naka-posas sa likod niya ang kanyang mga kamay, hindi parin nito ramdam na ligtas ito sa kanya.

Malakas talaga ang instinct ng mga tao. Tama ang lalaking iyon. Kahit na anumang oras naisin ni Yngrid na makalaya sa posas, kaya niyang gawin.

Project: YngridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon