Chapter Two***

59.5K 771 20
                                    

Ameri's POV

"NO!"

Kainis ha! Seryoso ako ngayon bukod sa galit!

Pero nakatingin lang siya sa akin ng diretso, walang reaksyon ang mukha at hindi man lang nagulat sa pagsigaw ko. How could this man be so calm?! He then twitched his lips for a smirk.

"Pinagbigyan na kita, lagpas pa sa dalawang taong pinag-usapan natin. It's your time to do your part of the bargain, ma chérie."

I just gave him a deadly stare and marched to the kitchen. Sumandal ako sa harap ng kitchen sink. At huminga ng ilang beses. No! Not now! Ayoko pa, hindi pa 'ko handa. Gah! Dalawang taon na ba ang lumipas? Ba't parang ang bilis ng panahon.

"Pack your things, Ameri and we'll fly back to Manila before dusk." Sumunod siya sa akin dito sa kusina at sinabi niya iyon habang inuusisa ang mga prutas sa gitna ng lamesa.

I really hate it when he used that tone on me. Iyong parang laging nag-uutos at kailangang masunod lahat ng gusto niya. Ugh! Typical of rich men! No, hindi ko siya madadaan sa init ng ulo. I've to use another tactic. And I just know how...

Lumapit ako sa kanya at yumakap mula sa likod niya. I felt him tensed. *Evil grin

"Honey, bakit hindi natin pag-usapan muna ng maayos, you know, we --"

"Pinag-uusapan na nga natin ng maayos, ikaw lang naman ang sumisigaw, Ameri, and,"

 Tinanggal niya ang mga braso ko sa kanya at marahan akong hinila para magkaharap kami.

 "and... you need a proper lesson on how to seduce a man, honey . Try harder, Ameri. Baka mapapayag mo 'ko na hindi kita ibalik sa Manila."

Yeah! That was it! Seduction be damned!  Kelan ko ba maiisahan ang giant kamoteng 'to!

Binigyan ko siya ng isang hampas sa dibdib at tinulak siya. But it was like pushing a hard wall. Lalo lang akong nayamot.

"Seduce your face!"

Bumalik ako sa sala, umupo sa sofa at hinanap si Fiery pero nakita ko siya nang lumapit siya kay Vince at kiniskis ang katawan niya sa mga binti ng lalakeng 'to. Hmp! Taksil na aso!

Nakita lang ang totoong amo, nakalimutan na 'ko. Ako na nag-alaga sa kanya sa loob ng dalawang taon. Ako na nagpapakain sa kanya, ako na---

"Hindi ka na ba magdadala ng kahit anong gamit mo? Well, its okay, nakahanda lahat ng kailangan mo pagbalik natin sa Manila." Tumabi siya sa akin sa sofa habang nakikipaglaro pa din kay Fiery.

"Can't you understand disagreement when you heard one, Vince?" I snapped on him.

"Not when it's from you, honey."

Isa pa yan! Yang mga pag-gamit niya ng mga endearment sa 'kin like he really meant it. Naalala ko na naman ang pakay niya sa'kin. I really hate being controlled!

Lalabas sana 'ko papuntang dagat pero hindi pa 'ko nakakalabas ng pinto nang bumuhos ang ulan. Hmp! Grabe naman itong weather na ito ah. Hindi pa 'ko pinagbigyang makalayo sa lalakeng 'to. And thinking of lalakeng 'to, nararamdaman ko na sinundan niya ako dito sa pinto. And I can feel his breathing on my neck and it sent a warm sensation down my spine... This is bad. Inhale... Exhale...

Hindi ako pwedeng magpadala sa kung ano mang kalandian ko sa katawan, remember, galit ako sa kanya?

"It seems it's not a lucky day for both of us, huh?" si Vince.

Yes. Dahil ang ulan ay lalo pang lumakas pati ang hangin. Halos humapay na sa lupa ang mga puno at lalong lumamig ang paligid kaya sinarado ko na ang pinto.

The Billionaire and the Witch {Short Story Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon