She is...

67.2K 837 28
  • Dedicated kay Peace
                                    

Ameri's POV

"And they live happily ever after." Pagtatapos ko sa binabasa kong fairy tale at nakangiti kong hinarap ang mga nagpapalakpakang mga bata.

"O, may tanong ba kayo, mga bata?" Nakangiting tungo ko sa kanila. Ang cu-cute talaga nila. Gusto ko silang pang-gigilan.

"Teaaa-cher Aaaameri princess din po ba kyo?" tanong ng pinakamaliit na bata sa grupo. Si Mary.

"Hahaha! No, Mary, bakit mo naman naitanong?"

"Eh kasi po ang ganda-ganda nyo po at ang puti at mabaet po." The little child smiles at me na parang nahihiya pa.

Ito pa ang gusto ko sa mga bata. Hindi marunong magsinungaling, hehe. Pero mabaet daw ako ?Ewan ko din *Grin

Nakaka-proud dahil isang honest na bata ang nagsabi sa 'kin na maganda ako kahit simpleng T-shirt, jeans at doll shoes lang ang suot ko.

"Ganoon ba ang princess?" nakangiting tanong ko sa kanila.

"Ooooopppoooo..." chorus nilang lahat.

Nakita kong nagtaas ng kamay si Jester, ang pinakamatanda sa grupo, 11 na siya.

"Eh Teacher Ameri sabi sa amin ni Teacher Susan mangkukulam daw kayo tapos ginagayuma ninyo daw po lahat ng mga lalake sa pinupuntahan ninyo. At nagpapalit daw po kayo ng anyo tuwing gabi. Nagiging panget daw po kayo."

"Pero hindi po kami naniniwala!" si Mary.

Nagsimula na silang mag-ingay at magpalitan ng mga opinyon.

"Kids, keep it down." Saway ko sa kanila.

Sanay na ako sa pagtataray ng mga kapwa ko co-volunteer dito sa Laughing Hearts Foundation. Lage silang nagtsi-tsismisan tungkol sa akin pero kiber ko ba sa kanila?

Pero hindi ko matanggap na talagang idadamay pa nila ang mga batang walang kamuwang-muwang sa propaganda nila laban sa 'kin! Naturingan silang mga tumutulong sa mga non-government organization na katulad nito.

"Oy, tahimik daw kayo!" sigaw ni Mary, kahit maliit siya ang tinis naman ng boses.

Mayamaya ay tumahimik na din sila at umupo sa nakalatag na banig.

"Huwag ninyong intindihn 'yon, okay kids? Basta tandaan ninyo na lang ang mga natutuhan nating  values sa mga binabasa nating kwento, katulad na lang na ang pagiging prinsesa ay hindi lamang ang mga babaeng magaganda pero mas importante ang kabutihan sa kanyang puso, okay ba?"

"Ooooooppooooo."

"Sige pumunta na kayo sa dining hall para  mag-lunch. Form a line ha."

"Gooooodbye and teeeeenk you Teacher Aaaaameri!"

"Goodbye din kids! Ingat kayo sa paglalakad ha." Kinawayan ko pa sila.

Tumayo na ako sa pagkaka-upo sa bangkito na nasa ilalim ng puno.

Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang mga bata. I love kids. Iyan ang dahilan ko kung bakit ako nag-volunteer dito sa maliit na bahay-ampunan na ito para magturo sa mga abused children and orphans tatlong beses isang linggo.

Pupunta na muna 'ko sa opisina ng head ng Foundation para magpaalam bago ako pumasok sa trabaho ko. Mabait si Mrs. Alcantara hindi katulad ng mga nagtatrabaho dito.

"Oo, nakita pa nga daw ng kumare ko na bumibili ng tanglad, buto ng sampalok, paa ng manok at sari-saring weird na bagay doon sa bayan. Siguro iluluto niya iyon sa malaking kawa tapos oorasyunan, malay mo nakakaagnas pala ang recipe niya na yon."

The Billionaire and the Witch {Short Story Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon