The Last Pages

1.8K 55 9
                                    

"Tingnan mo yung mga bata oh. Ang cute."

Napatingin ako sa glass window pagkatapos nyang ituro ang mga batang naglalaro at naghahabulan sa park. Agad akong napangiti. Parang sila ang may ari ng lugar. Ang sarap tingnan ng mga itsura nila habang tumatawa.

"Nakakamiss maging bata. Walang problema, walang iniintindi, walang responsibilidad, walang heartaches." Bigla syang bumuntong hininga. "Sana pwedeng ibalik yung mga panahong 'yon. Edi sana di ako namomoblema sa letseng lalaking 'yon!"

"Melody." Bigla akong napatawa ng kaunti nang makita ko syang yumuko at mahinang pinagsusuntok ang lamesa. Muntik ng matapon ang kapeng iniinom namin.

"Bakit ba ang hirap nyong intindihing mga lalaki, Chase?!" Akto nyang sasambunutan ang sarili nya kaya bigla akong napatawa.

"Bakit, mahirap rin naman kayong intindihan ah? Kulang pa nga ang kapal ng world history book para maintindihan kayo." Mahinahon kong sabi sa kanya dahilan para panlakihan nya ako ng mata.

"Ano bang dahilan ng pagsama mo sakin dito? Ang asarin ako at ipamukha kung gaano kami kaabnormal na mga babae? O ang damayan ako?!"

Agad akong napangiti at inabot sa kanya ang kape nya. "Kumalma ka nga muna. Ikaw ang nayaya sakin dito diba? Tsaka sinasabi ko lang naman ang opinyon ko."

Kinuha nya ang kape at dahan dahang uminom. Huminga sya ng malalim at tumingin sakin.

"Fine. Pero ano ba ang dapat kong gawin? Nakakasawa na. Lagi nalang ganito. Magtatampo ako, magagalit sya, pucha! Sya pa ang galit?! Sya na nga ang may kasalanan? Lambing lang naman ang gusto ko eh? Yung iparamdam nya na pinagsisisihan nya 'yong ginawa nya. Yung ipaparamdam sakin na ayaw nya akong mawala sa buhay nya. Yung yayakapin ako ng mahigpit at sasabihing mahal na mahal nya ako. Hindi ko naman kailangan ng mga letseng mamahalin na mga bagay na binibigay nya eh! Nakakainis!" Bumuntong hininga sya at napasabunot sa sarili nya.

"Bakit ikaw pachill chill lang? Paano mo nagagawa 'yon? Bakit ayaw mo maggirlfriend? Ayaw mo bang magkapamilya? Bading ka ba?"

Agad akong napatawa sa sagot nya at sinamaan sya ng tingin. Mabilis rin akong ngumiti at ininom ang kapeng hawak ko.

"May hinihintay ako."

"Anong pangalan nya?" Lumabas kami ng coffee shop at nagsimulang maglakad lakad sa park. Tinitingnan namin ang mga batang naglalaro sa damuhan.

Napatingin naman ako sa kanya na parang may malaking question mark sa ulo ko. Agad nyang nilapit ang mukha nya sakin at ngumiti ng abot tenga. "Yung babaeng hinihintay mo."

Agad akong napangiti sa tanong nya. Parang biglang nagplay sa utak ko ang itsura nya. Kung paano kasarap tingnan ang mukha nya lalo na kapag ngumingiti sya, kung paano kaganda ang mata nya habang nasisinagan 'to ng araw at kung paano tangayin ng hangin ang buhok nya.

"Melody." Sabi ko habang hindi matanggal ang mga ngiti sa labi ko. Masabi ko palang ang pangalan nya, hindi na magkandamayaw sa pagkarera 'tong dibdib ko.

"Ako?!"

Bigla akong bumalik sa realidad ng bigla syang sumigaw at niyugyog ako.

"Kaya pala wala ka pang girlfriend hanggang ngayon kasi inaantay mo ko?! Ha! Siguro inaway mo yung boyfriend ko para hiwalayan nya na ako no! Sabi ko na nga ba may lihim kang pagtingin saki---"

"Sira. Yung original na Melody." Seryosong sabi ko sa kanya kaya agad nyang binawi ang sinabi nya at nagpeace sign.

"So ako fake ganon? Sorry naman akala ko ako lang ang nag-iisang babae na Melody ang pangalan." Agad syang sumimangot at binaling ulit ang tingin sa mga batang naglalaro.

It's You Again, KuyaOnde histórias criam vida. Descubra agora