3

1.9K 38 5
                                    

Napabuntong hininga ako at hinawakan ang microphone sa harap ko. Halos lahat ng tao, nakatingin lang sakin. "Hay Kean, iba ka na nga talaga. Yung dating loko-loko, akalain mong tumino." Nakarinig ako ng mga tawanan. 

"Simula bata, kasama na kita eh. Hindi ko nga alam kung paano tayo nagkasundo. May pagkaloko-loko ka, pero matured. Samantalang ako, walang ibang alam kundi puro kalokohan. Pero ang pagkakaparehas natin, parehas tayong lumaking walang nanay na nag-aaruga satin. Dun, dun tayo nagkasundo. Naging sandalan natin yung isa't-isa." Napaubo ako at napasabi ng kadiri, dahilan para makarinig ulit ako ng tawanan. Tumingin ako kay Kean at Maxine. 

"Nakakapanibago lang dahil ngayon, may asawa kana. Baka sa susunod na buwan, tumawag ka nalang sakin at sabihin na magiging tatay ka na. Naalala ko kung paano mo niligawan si Maxine nun. Nagulat ako dahil tumakbo ka saking bugbog sarado. Sabi mo, ginawa yun ni Maxine dahil sinabi mong gusto mo syang ligawan. Akala ko susuko kana ng araw na 'yon, pero pinagpatuloy parin. Narealize ko nun, unti-unti ka ng nagbabago. Hanga nga ako sayo, dahil hindi ka tumigil. Nagpatuloy ka parin kahit habulin ka ng itak ng tatay nya nung naisipan mong mangharana ng madaling araw sa kanila. Sintunado ka pa naman." Nakarinig ulit ako ng mga tawanan. At this time, napako ang tingin ko kay Melody. Nagtama ang mga mata namin. Halos nagwala nanaman ang dibdib ko.

"Sana.. Sana wag mo na syang pakawalan. Kung ramdam mo na sya na ang babaeng magpapasaya sayo habambuhay, wag na wag mo na syang bibitawan.." Napahawak ako sa microphone at napayuko. Hindi ko alam kung bakit nangilid ang luha ko. Dahil nga ba sa kasal na si Kean o dahil nangungulila ako kay melody? 

"Maxine, sana alagaan mo ang bestfriend ko. Kean, masasapak kita pag pinaiyak mo 'to si Maxine kahit isang beses lang." Napatawa ako ng kaunti. "Congratulations." Tumingin ako kay Maxine at Kean at nakita ko silang nakangiti sakin. Binigyan ako ng gitara ng isang staff. Uumupo ako at nagsimulang tumugtog. 

"Para sa inyo 'tong kanta na 'to." Hindi ko alam kung bakit kay Melody ako tumingin.

"There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold of the night
I just can't believe that you are mine now."

Gusto kong sabihin at isigaw na para sa kanya 'tong kanta na 'to. Pero hindi ko alam kung bakit nanghihina ako pag-iisipin ko palang. 

"You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with
Anything in this world
You're all I need to be with forevermore."

I can't take my eyes off her. Tumingin sya sakin at hindi ko alam kung bakit tumingin agad sya sa ibang direksyon.  

"All those years I've longed to hold you in my arms

I've been dreaming of you
Every night,
I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine
I just can't believe that you were mine now.

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with
Anything in this world
You're all I need to be with forevermore."

Hanggang sa matapos ang kanta, hindi ko inalis ang mata ko sa kanya. Hindi parin ako makapaniwalang nasa harap ko sya, at malapit sya sakin. Hindi nya alam kung gaano ko namiss titigan ang mukha nya, tingnan ang mga mata nya. Hindi nya alam kung gaano ako nasaktan nung iniwan nya ako. At hindi nya alam kung gaano ko sya kamahal at kung gaano katagal akong umasa na babalik sya.

"Proffesional photographer, manager ng isang big time magazine company, painter, ano pa ba?" Sabi ni Kean. "But just wow. Ibang iba na sya ngayon. Ang laki ng pinagbago nya."

It's You Again, KuyaWhere stories live. Discover now