3

10 1 0
                                    

Party

"NICS, si boss yummy! Grabe. Ang yummy nya talaga, tingin pa lang." Ang bilis talaga ng mata ng babaeng 'to. Nasa party na kami at mukhang ang daming bigatin. "Pakilala kita kay Gage, halika."

"Cla, sume-segway ka na naman. Naipakilala mo na ako kay Gage, hindi lang isang beses. Maraming beses pa." Natatawa kong sabi sa kanya habang hinihila nya ko papalapit kay boss yummy.

Suot suot ko ngayon ang binili namin ni Cla na dress na tinernuhan ng black heels at white clutch. Nakakailang, dahil hindi ako party goer at mukhang magiging anino ako ngayong gabi ni Clarisse.

"Hi Sir Gage!" Masiglang bati ni Clarisse at sinagot naman ni Gage ng isang tango. Palagi na lang ganto, na para bang binibili mo ang mga salita na lalabas sa bibig nya. Parang si Adam noon kapag nakikipag usap sa kanya ang ibang tao, kulang na lang ay bigyan nya ng death stare matigil lang sa pagkausap sa kanya. Haaay Adam, I really do miss you.. a lot. "Sir, si Janica nga pala."

"I know Clarisse. Ilang beses mo ng ipinakilala sakin ang kaibigan mo. Wala na bang bago?" OMG. Sarcastic ba o nagsasabi lang ng totoo? Grabe si Gage! "Maiwan ko na kayo. Enjoy the night ladies."

Napatingin naman ako kay Clarisse at parang mukhang wala lang sa kanya yung paraan ng pakikitungo sa kanya ni Boss Yummy nya. "Okay ka lang Clarisse?" Medyo nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Nasanay na ko Nics, kaya kiber lang. Ang mahalaga nakausap ko sya." Ibang klase din talaga tong kaibigan ko. Iba din ang prinsipyo.

"Hanggang 9:45 lang tayo Cla ha, maaga ang work ko bukas." Tumango naman si Cla, ilang beses ko din naman ipinaalala sa kanya na kailangan kong kumayod at magtrabaho bukas.

"He's coming here." Takang napalingon naman ako sa sinabi ng kaibigan ko. "Adam. Si Adam mo."

Oh my god! "Wag mo kong i-good time Clarisse ha, kakalbuhin kita kapag na-hopia ako."

"Seryoso ako Janica, Gage and Adam were business partners. Hindi ko lang alam kung nai-kwento ka ni Adam kay Gage, at hindi ko alam kung may idea si Gage tungkol sa kung sino ka sa buhay ni Adam."

Hindi ko alam kung paano akong magre-react sa sinabi sakin ni Clarisse. "Hindi ko na sinabi sayo, dahil pino-protektahan ko yang puso mong martyr." Gusto kong maiyak. Ang swerte ko dahil may kaibigan akong katulad nya. "But Nica, after kong makita kung gaano mo kagustong makita si Adam, kahit hindi mo sya mahawakan o makausap, gusto kitang tulungan. Gusto ko ulit makitang kumikislap yang mga mata mo dahil sya ang nakikita mo. Gusto ko ulit makita yung ngiti mo na pinapakita mo lang kapag nakikita mo si Adam."

"Ladies and gentlemen, let us all welcome Mr. Adam Radford."

Bigla akong napatingin sa entablado, and there, nakita ko ang kaisa-isang lalaki na nakakapagpatigil ng mundo ko. Alam kong hindi nya ako gustong makita, pasalamat na lang ako na nasa isang madilim na sulok kami nakapwesto ni Clarisse.

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya, at hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Ang layo na ng narating ng lalaking pinakawalan ko tatlong taon ng nakakalipas. Ang bigat sa pakiramdam, noon sa mga restaurants at celebrations ko lang sya nakikitang kumakanta, ngayon hindi na, kayang kaya na nyang magmay-ari ng kung anuman ang gustuhin nyang ariin, at pakiramdam ko ay hindi na din kami bagay.

Isa na syang bituin na mahirap abutin, at heto ako, isang simpleng nilalang na nakatingala sa bituin.

Iba pala ang ganitong sitwasyon, para akong sinasampal ng katotohanang hindi na ako nababagay sa lalaking mahal ko.

"Thank you everyone for coming and enjoy the rest of the night." Kasabay ng palakpakan ng mga taong nasa paligid ko ay ang pagtingin nya sa pwesto namin ni Clarisse.

Nakita ba nya ko? No, hindi nya ko pwedeng makita.

"Clarisse, mauna na akong umuwi. Magta-taxi na lang ako. Dito ka na muna, enjoy ka lang. Biglang sumama ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko dahil gusto ko na talagang makaalis, sapat na sa akin na makita sya. Masaya na ko na makita sya at marinig ang boses nya.

"Halika Nics, ihatid na kita." Nakakaunawang pagsang-ayon ni Clarisse sakin.

Hindi pa man kami nakakalabas ng building, may isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko na syang dahilan ng paglingon ko.

"Janica? omg, Janica ikaw nga!"





"Albert...."

He's the SuperstarWhere stories live. Discover now