2

17 4 0
                                    

''He's back!" Sigaw ko na syang naging dahilan kung bakit napatingin sakin ang mga tao sa mall na malapit sa kinatatayuan ko. Kasalukuyan kaming nasa mall ni Clarisse at nagpasama sakin mamili ng damit para sa party ng company na pinapasukan nya.

Sakto naman na napadaan kami sa TV and Appliances section at bumulaga sakin ang magandang balita!

"Claaaaa! Bumalik na sya!" Parang batang sigaw ko habang papalapit sa kaibigan ko. "Omg! Naiiyak ako Clarisse! Ang saya-saya ko."

"Friend, bumalik lang sya. But that doesn't mean na ikaw ang dahilan ng pagbalik nya." Malungkot na sabi ni Clarisse. Letse, panira naman 'to. Kainis.

"Clarisse, alam ko naman yun. Hindi naman ako umaasa, ano ka ba. Gusto ko lang makapunta sa concert nya, gusto ko lang na makita sya ng malapitan. Alam kong hanggang doon na lang ako." Nakangiti kong sabi sa kanya. Kahit naman umiyak ako, wala akong magagawa. Dahil baka kahit ang anino ko hindi makalapit sa kanya.

"Halika na nga! Tulungan mo na ko pumili ng isusuot kong dress. Naman e, ang hirap magpapansin kay Boss Yummy." Si Gage ang tinutukoy na boss yummy nitong kaibigan ko, at mukhang tinamaan din tong isang to kay Gage. Lahat ng paraan para mapansin sya ginagawa nya, kaso dedma ang yummy. "Alam mo Nics, ngayon ko lang naisip. As in, ngayon lang talaga. Ako gustong-gusto kong mapansin ako ng gagong Gage na 'yon, pero bakit ikaw nagtatago kay Adam?"

"Di ba gusto mong mapansin ka ni Gage sa party? Halika, ang ganda ng damit na yun oh!" Sabay turo ng nakita kong victorian tube dress na kulay black, although gusto ko lang talagang makaiwas sa tanong nya. Ang hirap sagutin eh, char. "Grabe friend, ang ganda mo siguro kapag sinuot mo to." Sabi ko nang makalapit na kami sa dress na'to.

"Yung totoo Nica, sakin ba bagay? Pero bakit mas mukhang bagay sayo 'to? Isukat mo nga sa fitting room."

"Seriously Cla, ako ba ang aattend sa party? Hindi na uy, pinag-iipunan ko din ang VIP ticket para sa concert ni Adam."

"Seryoso ako, isukat mo to at kapag bagay sayo, bibilhin natin. Malay mo masuot mo. sagot ko." At dahil sa huling sinabi nya, hinatak ko na sya papunta sa fitting room. Hahaha! "Letse ka! pakunwari ka pa, hinihintay mo lang sabihin kong libre para pumayag ka. Pasalamat ka payday ngayon. Dalian mo na dyan sa loob." Ingay talaga nitong si Clarisse kahit kailan.

Pasalamat naman ako at sa gilid ang zipper ng dress na'to kaya hindi ako nahirapang isara.

"Ano Cla, bagay ba sakin?" Tanong ko sa kanya pagbukas ko ng pinto ng fitting room, tho nakita ko naman sa salamin kaso medyo ilang ako dahil ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito ka-daring na damit.

"Grabe! Dapat talaga ikaw ang kinontrata ng management na may hawak kay Adam! Perfect! bagay sayo. Wag mo na hubad, bayaran na natin. Tara! Rampa friend!" Walangyang kaibigan to.

"Utang na loob ha, letse ka. Dyan ka na nga muna, magpapalit na ko ng damit." Pumasok na ulit ako sa fitting room at sinuot na yung shirt and jeans na suot ko talaga bago isukat ang dress. Malakas pa naman mga trip ni Clarisse. "halika na, maniningin pa tayo ng susuotin mo." Sabay hila ko na sa kanya papunta sa dress section.

"Nics, sama ka sakin bukas sa party. Maraming gwapo dun. Hanap ka na ng kapalit ni Adam, inaamag na Adam mo e. Kupad kupad kasi."

"Gaga ka, may makarinig sayo."

"Aba, bakit? Ang dami kayang Adam sa mundo, at hindi ko talaga ipagsasabi na si Adam Rad----mmmmm letse naman, kumalat tuloy laway ko sa mukha ko." Wala akong ibang maisip na paraan para patahimikin sya sa oras na 'to kundi ang takpan ng kamay yung bibig nyang walang preno. Napapaisip din ako e, bakit ko nga ba naging kaibigan ang isang 'to? 

"Ingay mo kasi."

"Oo na, tatahimik na. Basta sumama ka bukas sakin ha. Minsan lang akong magrequest sayo. Samahan mo na ko bukas, ayokong maging loner. Snob pa naman si boss yummy." Nagdrama pa.

"Oo na. Pero uuwi din ako kaagad, maaga ang pasok ko kinabukasan nun."

"Oo sige." At eto, nabuhay muli ang dugo ng lukaret. Ilang oras muna siguro kaming nagpaikot-ikot sa mall bago kami makahanap ng susuotin nya.

----

"Nics, bakit hindi ka mag-aral ulit? Ang isang VIP ticket para sa concert ni Adam ay 25, 000 pesos. Pwede mo ng pag-aralin sarili mo sa halagang yan. Bakit pag-aaksayahan mo pa ng pera yung concert nya?" Tanong sakin ni Clarisse habang kumakain kami ng hapunan.

"minsan ko lang pagbigyan ang sarili ko Cla, alam mo naman yun di ba? ngayon ko na lang ulit makikita si Adam, papalagpasin ko pa ba ang pagkakataon? Imagine this, masaya ako kapag nakikita sya sa mga music video nya, sa mga magazine na sya ang cover, o kahit saan pa man, pano pa kaya kapag makita ko na ulit sya sa malapitan? Kahit hindi ko sya mahawakan Cla, basta makita ko lang sya, masaya na ko."

"Walangya ka! Muntik mo na naman akong mapaiyak sa mga linya mo. Bibigyan na talaga kita ng loyalty award friend. Pero sayang ang panahon, sana nakatapos ka na ngayon."

"I know, marami na kong sacrifices noon Cla, kontento na din ako sa trabaho ko."

"Iba pa rin ang may tinapos ka, at least kung magkasalubong man kayo ni Adam isang araw, may isasampal ka pa din na diploma sa kanya. At isa pa, hindi ka kontento friend, kasi alam mo, simula pa lang nung iwan mo si Adam, may kulang na sayo."

Ngumiti na lang ako bilang sagot, matagal ko ng tinapos at tinanggap ang lahat. Pero shuta naman, nakakaiyak talaga kapag may kaibigan kang nananampal sayo ng katotohanan.

Simula noong araw na tinalikuran ko sya, 'yon din ang araw na tinanggap ko na hanggang sa ganito na lang ang buhay ko. Kontento na kong makitang buo ang pagkatao ni Adam.

Nabago man ng tatlong taon ang Adam na minahal ko noon, pero hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Afterall, it's all worth it. He's all worth it.

He's the SuperstarWhere stories live. Discover now