Chapter 5

1K 23 5
                                    

Jane nanaman? Ano ba yan? Gabi gabi nalang si Jane ang pinag-uusapan namin ah.. HUHUHUHUHU T____________T Hindi pa nga kame. At alam kong walang pag-asa pero anlakas ng tama. ANG SAKIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Tumulo na ang luha ni Malen.

"Oo naman! Malaki ang chance mo dun! :D"

Reply ni Malen. Na talgang nilagyan pa nya ng smiley para hndi mahalatang umiiyak sya.

"Talaga? Haaaaay. Napangiti naman ako dun. :))) Sige. Matutulog na ko. Maaga pa bukas eh. Kaw din ha? Goodnight! ^_^"

Reply ni Ken na halatang natuwa sa reply ni Malen.

Dahil sa sobrang sakit...

Naging BITTER lalo si Malen.

Ngumingiti lang sya para itago ang sakit na nararamdaman...

Kinabukasan, naunang pumasok si Malen kesa kay Jane.

Pagdating ni Malen sa gate ay nandun si Ken.

"Oh Ken! Ginagawa mo jan? Inaantay mo si Jane?" bati ni Malen.

"Hindi. Haha. Ikaw inaantay ko." sagot ni Ken.

"Ha? Ba't ako?"

"Ehhhh. Ikaw eh. Haha. Gusto sana kita kausapin."

"Tungkol san naman?" Kay Jane nanaman siguro. -_-"

"Tungkol kay Jane." Ngingiti-ngiting sagot ni Ken.

Sabi na eh. "Oh anong meron?"

"Ehhhh. Wag dito. Tara dun." sabay turo sa may park.

"Sige."

Naglakad na sila papunta sa park.

"Oh ano yon?" pagbubukas ni Malen ng usapan.

"Hmmm. Gusto ko sanang i-surprise si Jane."

"Panong surprise?"

"Liligawan ko na sya."

Parang tumigil sa pagtibok ang puso ni Malen. Nanikip ang dibdib nya sa narinig.

"Ahhhhmmm.. GOOD!" maikling sagot ni Malen na sinusubukang wag magpahalata.

"Ehhh. Kailangan ko tulong mo.."

"Panong tulong?"

"Ahm.. Kung pwede sana, mamayang uwian, gumawa ka ng kung anong excuse kay Jane.. Dalin mo sya dun sa playground. Tapos ako nang bahala sa lahat." Nakangiting sabi ni Ken.

"Ahhh. Yun lang pala eh! Kering keri!" Kering keri ko sakit kung dun ka sasaya T____T

"Ayun! Salamat! HAHA." sabay akbay kay Malen.

"Ano ka ba? Si Jane ang liligawan mo. Hindi ako. Wag ka ngang bigla-biglang umaakbay." bitter nanaman si Malen.

"Ok. Ok." sabay alis ng kamay.

"Eto lang tip ko sayo... Wag nang magtatanong ng "Pwede bang manligaw?". Kasi, magkakaron ng chance si Jane na sabihing hindi. Deretchuhin mo."

"Pano?"

"Sabihin mo "Jane. Gusto kita. Gustong gusto kita. Kaya sa ayaw at sa gusto mo. Liligawan kita."

"Oo nga noh. Haha. Siguradong hindi sya makakatanggi nun! Salamat Malen."

Yayakap na sana si Ken pero pinigilan sya ni Malen.

"Hep! Yayakap nanaman eh! Susuntukin na kita."

"Sorryyy...." *pout*

At nung uwian, ginawa ni Malen ang napag-usapan nila ni Ken.

Habang nag-aayos sila ng gamit sa room....

asdfghjkLOVE.♥[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon