Prologue

29 4 0
                                    

"Janica!"


"Please Adam, ayoko na." pinapanalangin ko na lang na hindi ako traydurin ng mga luha ko sa oras na ito. I need to.. hinarap ko sya, si Adam, ang isa sa mga taong mahalaga sa akin. Isa sya sa mga dahilan kung bakit ako sumasaya, nalulungkot, at ngayon ay ang dahilan kung bakit ako nagpapakatatag. "Ano ba ang hindi mo na-naintidihan sa mga sinabi ko? Hindi na nga kita mahal di ba?!"


"Tell me Janica, ano bang nagawa ko para gantuhin mo ako? Nakaka-gago! Ilang araw na kitang sinusuyo, napapagod din ako Janica." and there, ang lalaking mahal ko, umiiyak, at nagmamakaawang huwag kong bitawan.. "please Janica, gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan.."


"B-buntis ako Adam." i know that this is wrong, but I don't care! I need to let him go. "Hindi ikaw ang ama." sabay tinignan ko sya ng tuwid sa mata. Kailangan kong magpakatatag.


"So that's it! This is bullshit! Everything is bullshit Janica! Ginawa ko ang lahat, tangnaloob saan ba ko nagkulang sayo?!" hinawakan nya ako sa magkabilang braso at niyugyog. Gustohin mang makaramdam ng katawan ko ngayon ay hindi ko magawa. "Janica tell me lies but please, huwag naman ganito. Alam kong mahal mo ko."


"Adam, listen." gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero kapag ginawa ko yun ay bibigyan ko lang ang sarili ko ng dahilan para huwag syang iwanan. "Sign the contract and leave me alone. No buts." 


He's the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon