CHAPTER VII

3.8K 61 2
                                    

He will meet someone, and then seizing the moment until execution day arrives.

Parang usual na talaga ang mga pangyayari. Kahit nga ako ay nagsawa na rin sa aming set-up.

Nakalipas ang ilang mga araw at ganon pa rin ang nangyari. Nagsasawa na talaga ako sa mga parting message ni Arbie at parang mauubos na rin ang listahan ko ng mga biktima ni Arbie.

“Sorry dude until here!”

“Babe this is over!”

“Hon we are not working”

“Boo, lets end this now!”

Kahit nga ako ay naaasiwa na sa mga parting message ni Arbie. Pero sinasabayan ko na lang talaga ang kanyang mga kagaguhan.

Until one day.

“Arbs, uuwi muna ako ng Roxas City kasi hindi na ako nakapagbakasyon” sambit k okay Arbie.

“Eh di sasama na rin ako. Kung asan ka dapat nandon rin ako. Paano nalang kung makikipag break ako eh wala ka. Sino ang makukuntsaba ko?” mahabang paliwanag ni Arbie.

“Ok ikaw ang bahala pero paalala lang Arbs. Nasa Roxas City tayo. Maliit lang ang lugar natin at maraming nakaka-kilala sa atin doon” paliwanag ko sa kanya.

Sinimulan ko na ang pag-ayos ng gamit ko at sumakay na rin ng taxi. Napag-usapan din naming ni Arbie na sa terminal nalang kami magkikita.

Pagkadating ko sa terminal ay nakita ko rin naman siyang nakaupo sa may bench. “Arbs, kanina ka pa?” tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko.

“Hindi masyado. Tara na baka maunahan tayo” suhestiyon ni Arbie.

Sa front seat kami umupo ni Arbie at nagsimula ng lakbayin ang daan patungo sa Roxas City.

Nasa kalagitnaan na kami ng Passi City ng pinatugtog ng driver ang kanyang stereo.

Sa di inaasahang kanta ay nakasalang ang isang Japanese song. Hindi ako familiar sa title ng song pero may halong ingles ang kanta niya. Hindi ko pinansin ang mga katagang iyon ngunit nong nasa chorus na ng song ay parang tinamaan naman ako.

Nakatulog si Arbie at nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Hinayaan ko na siya sa ganong sitwasyon at mataimtim na pinakikingan ang kanta.

You will always be inside my heart…

Napangiti na lang ako kasi parang pana na tinusok sa aking puso ang liriko ng kanta. Hindi ko naman alam kong ano ang ibig sabihin ng kanta pero ramdam ko na malalim ang liriko nito. Alam ko rin naman na malalim rin ang emosyon na ibinigay ng kumakanta nito.

I hope that I have a place in your heart too…

Sa bandang ito ay parang hinahampas ako ng malaking palakol. Nakatingin lang ako kay Arbie at pinagmamasdan ang kanyang maamo na mukha.

Sa isip ko lang ay kung pwede sana akin ka nalang. Ngunit hindi talaga puwede. Ayaw kong masaktan dahil lang sa bawal na pag-ibig na ito. Mahal na mahal ko si Arbie at kaya kong ibigay ang lahat sa kanya kahit ang pagkakalas ko sa nalalapit kong kasal or ang pag-aamin sa pamilya ko na siya ang laman ng puso ko.

Kaya kong ipagsigawan sa lahat na ang taong mahal ko ay si Arbie ngunit natatakot ako baka kahit anong paraan kong saan ay ipinaglalaban ko siya ay siya naman iyong taong isusuko ako.

Now and forever you are still the one…

Hindi ko na pinansin ang kanta at pinikit ko nalang ang aking mata. Ramdam ko na dumaloy ang luha sa aking mata. Alam ko na hindi talaga kaya ni Arbie na mahalin ako at hanggang best friend lang talaga.

Pero kung alam lang sana niya…

Matagal ko na siyang minahal…

After 2 hours ay nakarating na rin kami sa Roxas City.

“Arbs? Uuwi ka ba sa inyo?” tanong ko sa kanya habang kinikuha ang seatbelt.

“Pwede bang doon nalang muna ako tumuloy sa inyo?” tanong ni Arbie habang inaayos niya rin ang kanyang sarili.

Nakaramdam ako ng saya sa kanyang sinabi at hindi na ako nagdalawang isip pa.

“Ok bro, sa bahay ka nalang tumuloy. Isa pa wala naman akong kasama doon. Sina mama at papa lang naman.” Mahaba kong paliwanag sa kanya.

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon