CHAPTER V

3.7K 63 1
                                    

Nasa tapat na ako ng pintuan sa labas ng ospital ng sinundo ako ni arbie.

“Bro, are you ready?” tanong ni Arbie sa akin.

“Asan na ang biktima?” mabilisang tanong ko.

“He is outside” sagot ni Arbie habang nakatingin sa akin.

Malalim ang iniisip ni Arbie pero alam ko na kagustuhan niya ito.

“Gusto mo ba ito Arbie?” pabalang na tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa nagungusap niyang mata.

“I am!” firm na sagot niya.

“Once and for all Arbie. I’m doing this because kaibigan mo ako. Pero kahit labag ito sa kalooban ko hindi naman kita kayang tiisin. Gagawin ko ito di dahil kaibigan kita. Ginagawa ko ito dahil ito ang gusto mong gawin ko.” Mahabang paliwanag ko sa kanya.

Hindi na nakasagot pa si Arbie at tuluyan na kaming umalis ng ospital.

Nakita ko si Matthew na nakatayo sa kabilang kalsada. Ngumingiti pa si Matthew sa aming dalawa ngunit sa isip ko lang ay matatapos na rin ang kasiyahang naidulot ng short-term relationship nila ni Arbie.

“Minahal mo ba siya Arbie?” tanong ko sa kanya habang humihintay ng pagkakataong maka-tawid.

“Diba I told you before. I’m not falling in love to someone. Never been. Never was and never will be!” paulit na sagot ni Arbie.

Hindi maalis sa isip ko ang mga katagang iyon kasi sa bandang huli ay ako rin ang sasabihan nito kapag pinag-patuloy ko ang aking nararamdaman sa kanya.

Nakarating na kami sa kinaroroonan ni Matthew ngunit bago naming sinimulan ang set-up ay napagisipan ko na mali ang lugar na ito.

Baka kasi maraming may makakita. Kaya pumunta kami sa mcdonalds na malapit din sa ospital na pinagtatrabahuhan ko. Nakarating na kami sa fast-food chain at umorder si Matthew.

Ngunit bago pa siya makaorder ay nagsimula na si Arbie sa kanyang script.

“Dude. It’s over! Walang spark eh!” common na litanya ni Arbie kapag magkakalas na sa relasyon.

“What? Your funny babe. Ano gustong kainin ng babe ko? Sambit ni Matthew habang busy pa rin sa pagpipili ng oorderin.

“Yes Matt! You heard Arbie right. Tama na ito.” Sambit ko sa kanya.

Natauhan naman si  Matthew sa pinag-sasabi ko kaya tuluyan na kaming nakatayo sa aming kinaroroonan. Tumingin-tingin ako sandali sa paligid kasi baka may mga nakakilala sa amin ngunit sa kabutihang palad ay walang masyadong tao ngayon.

“What is this? Is this a game Arbie?” tanong ni Matthew na may konting kirot sa puso.

“What else do you thing Matt? Aren’t you convinced about it?” si Arbie habang nakahawak na sa aking kamay at pinipisil-pisil ito sinyales na mag back-up na ako.

“Yes! What you see in front of you is the truth! Boyfriend ko si Arbie at hangang dito nalang ang pakikitungo niya sa iyo” mahabang paliwanag ko kay Matt.

Masakit isipin na kahit sa ganoong sitwasyon ay masasabi kong akin si Arbie ngunit hanggang doon nalang talaga.

Nakita ko na namumuo ang galit ni Matthew at parang sasapakin ako ngunit pinigilan at binantaan siya ni Arbie.

“Try it and you will regret this!” sambit ni arbie kay Matthew.

Nakita ko na lang na nag-sidatingan ang iba kong kasamahan sa ospital. Pinigilan ko na si Arbie at sapilitang umalis sa lugar na iyon. Kasi nga naman walang kaalam-alam ang mga tao sa ospital namin na ganon ako at isa pa ang alam lang nila ay ikakasal na ako sa susunod na dalawang taon.

Nasa labas na kami ng mcdo at nakita ko si Matthew na lumabas na rin. Pero sa hindi ko inasahang pangyayari ay binuhusan ako ni Matthew ng malamig na coke sabay suntok sa mukha ko. 

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon