Chapter 6.....

22 1 0
                                    


Sabay silang nag-lunch ni Steven sa restaurant ng hotel. Pagkakain ay nagyayaitong na mag-swimming sila.

Na agad din naman niyang pinagbigyan.

Guwapo naman si Steven, mabait pa at may pagka-gentleman, lalo tuloy nacurious si Joymae na makipaglapit dito.



"ISA akong biyudo at may dalawang anak,"wika ni Steven sa wikang slang na english na may accent ng german habang nakaupo sila sa buhanginan at nakatanaw sa palubog na araw sa kanluran.




"Pero sa kasalukuyan ay naghahanap ako ng babaeng magiging ina ng mga anak ko, at siyempre pa ay asawa ko,"




"Talaga?" ngiting-ngiting si Joymae habang kunwari ay engrossed na engrossed sa pakikinig dito.



"Oo. At sa tingin ko, natagpuan ko na siya ngayon." Saka ito tumitig nang matiim sa kanya na waring may nais ipahiwatig.



"Talaga?" Kahit naman paano ay nakadama siya ng pagkailang sa titig nito. Nag-iwas siya ng tingin.



"At sana, sa mga darating na araw ay magawa kong maangkin ang pag-ibig niya." Lalong naging matiim ang titig ni Steven sa kanya.Lalo namang nailang si Joymae, and at the same time ay kinilig.

Yes! Ito na talaga ang katuparan ng mga pangarap ko! sigaw ng kanyang utak.



"So, ikaw naman ang magkuwento ng tungkol sa sarili mo," biglang wika ni Steven.




"H-ha?"



"Gusto kitang makilalang mabuti."




"Ah," pero ano ba ang masasabi niya tungkol sa kanyang sarili?Siya na isang anak ng labandera, nakapag-aral sa pamamagitan ng pagtitinda ng kamatis sa palengke, naging scholar dahil likas na matalino kaya kahit paano ay nakatapos ng kursong HRM.




"Ah, nag-iisa lang akong anak ng parents ko." Pero totoo naman iyon, naisip niya.




"Namatay agad ang tatay ko noong buntis pa lang ang mother ko kaya siya lang ang nag-isang nag-alaga sa akin."At marami pa siyang ikunuwento tungkol sa kanyang sarili na hindi nagbigay dito ngideyang mahirap lang siya.





















Itutuloy....


A/N: Good day ! READERS ^__^
I HOPE YOU'LL BE SATISFIED TO MY STORY ^__^ If you like this story please kindly vote and leave a comment Negative or Positive Okay lang sakin :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AKALA KO MANHID KA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon