Chapter 2....

34 1 0
                                    

"Ano pa, edi nangangarap. Ikaw, ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba't nagpunta sa kabayanan ang papang mo para magtanong kung magkano ang matrikula mo sa darating na pasukan?"




"Oo." Malungkot na tumanaw sa malawak na karagatan si Maryjoy.



"O, eh, bakit hindi ka sumama? Aba, ikaw ang mag-aaral, dapat ay alam mo ang course na kukunin mo."



"Para kasing hindi ako interesadong umalis sa isla. Ayokong mag-dorm sa kabayanan kapag nag-aaral na ako."



"Ano? Aba, Maryjoy, dapat ay -"



"Alam ko. Kaya lang, hindi na masarap mag-aral ngayong wala na si Vernyl."



"Susme! At iyon pala ang ipinagsisintir. Aba, Maryjoy, kung nawala ang kababata mo rito sa isla, dapat ay kalimutan mo na siya. For sure, maraming makikilalang boys sa Manila ang isang iyon. Eh, ikaw, nabubulok ka lang dito sa isla."


"Kasi, mahal ko siya."



"Mahal? Anong mangyayari sa pagmamahal? Hindi ka naman niya mahal."


"Mahal niya ako."

"Bilang kaibigan?"

"Oo."

"Kaya mag-aral ka at maghanap ng magmamahal siya hindi bilang kaibigan lang, kundi bilang ka-ibigan. At puwede ba,ha? Iyong mayaman para naman makaahon ka na sa kagagawa ng mga kuwintas at bracelet na kabibe, okay?"

"Ikaw talaga, pati ito ay napagdiskitahan mo."

"Kasi naman, tuwing magkikita tayo, iyang basket mo na lalagyan ng mga sigay at kabibe ang dala mo, eh."


"Dito kasi ako kumikita."


"Sabagay. O, hayun, may foreigner, alukin mo ng necklace."


"Sige." Nagmamadaling tumayo si Marjoy upang habulin ang mag-asawang foreigner na patungo sa dagat.

AKALA KO MANHID KA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon