Day 74

18.5K 543 6
                                    

MON AT 11:31 AM

Marcus : Jen? Done na lahat ng morning classes ko a. Nasa library lang ako, nagko-compile ng data analyses para sa afternoon classes ko.

Marcus : Just tell me pag tapos na ang lab mo para masundo kita. Then, we'll eat lunch. ^__^v

Jenessy : Hello... Patapos na rin kami.

Jenessy : Pero ano... magsasabay ba talaga tayo?

Marcus : Oo. Nasayo baon ko e. Haha. ^__^v

Jenessy : E kasi... nakakahiya yatang makita nila...

Marcus : Huh? Sinong sila?

Jenessy : Yung mga tao...

Jenessy : Yung buong STU.

Marcus : Hm. Bakit tayo mahihiya?

Jenessy : E... Kasi... Kanina pa nga lang e...

Jenessy : Paghatid mo sa kin...

Jenessy : ang dami nang nakatingin. Malicious yung mga tingin e...

Marcus : Oh. Hayaan mo sila.

Marcus : Wala naman tayong ginagawang masama. Ang importante, alam natin pareho na may permiso tayo galing kay Nanay.

Jenessy : E kasi...

Marcus : Ayaw mo ba kong kasabay kumain, Jen ko? ಠ╭╮ಠ

Jenessy : Hala! Hindi!

Jenessy : Naiilang lang ako. Kasi... ang daming tumitingin pag magkasama tayo.

Marcus : Masasanay rin sila, Jen.

Marcus : Pero para masanay sila, dapat masanay ka rin muna. ^__^

Jenessy : Okay...

Marcus : Don't let them spoil our day. It's a nice day to have lunch together.

Jenessy : Hihi. Nice day daw e umuulan. (><)

Marcus : It's our first day together na umuulan. It's a good day. ^__^

Jenessy : Oo nga no.

Marcus : So, have lunch with me.

Marcus : Saka, sigurado akong ginataan ang ulam kaya hindi kita pwedeng paligtasin.

Jenessy : Hihi. Okay. (∩_∩)

Jenessy : Pero pupunta na lang ako diyan sa library para hindi ka na pumunta rito. Baka ma-STU stories ako.

Marcus : Okay. Don't hesitate na lumapit a. Gutom na ko. (^ワ^=)

Jenessy : Hihi. Okay. :3

Jenessy : Wait a little more. :)

Invisible Girl Book 2 (Chat MD Series #1)Where stories live. Discover now