Never assume unless otherwise Sinabi

4.5K 98 42
                                    

“mas gusto ko pang magtiis na itago ito kaysa saktan ka…”

 

Mabilis na lumipas ang araw at nandito parin ako nakaupo sa isang brasong upuan (armchair) pilit na iniisip kung ano ang tamang kasagutan sa isang katanungang punong-puno ng problema… Dinaig pa ang buhay ko…

“Grabe ang hirap ng quiz!!!” Sabi ni Fey habang kinakamot ang ulo niya na nagbigay daan upang maging mas magulo ang buhok nya.

“Sinabi mo pa, tsk, tsk. Ang mga problems, ang haba haba… Di mo pa alam kung tama ang pagsosolve mo... tapos 1 point lang… Magaling pang di nalang si-nolve.” Sambit naman ni Hannah na ngayon ay nag-aayos ng laman ng bag.

“Ang sakit sa ulo, nakakahilo!!!!”  sagot ko naman habang inuumpog ang ulo sa pader.

“Oiiii, anung score mo Jj…” pagtatanong sa akin ni Jeff habang papalapit sa direksyon namin.

“Ikaw muna.. XP” sabi ko… Yayabangin na naman ako ng lalaking ito…

“Ahmmm, 25 over 30 lang ako.” Panghihinayang pa niyang sagot. Mukhang hindi pa sya satisfied ha………  -____- Nakakasura lang naman talaga.… Samantalang ako 18 lang yata… Juskopo… Paano kaya akong papasa…

“Ikaw na, da best ka talaga.” Sabi ko naman.

“E ikaw, alam kong perfect ka!!!” confident nyang pagkakasabi na nadinig din naman ng mga kaibigan kong nakapaligid at nakatingin lang sa  amin…

Halaaaa!!! Natuluyan na…. “Anla Jeff, ewan ko sayo… Ambaba ko nga… Perfect ka pa jan… Nangiinsulto ka ba???” Nakakainis kasi… Alam nya namang mahirap… He would always think na nadadalian lang ako sa lahat ng bagay… Bakit ko ba kasi naging kaklase ‘toh eh… Sabi na at ganito ang palaging mangyayare…. Naku!! Naku!! At umalis na kami… I already gave him a hint kung ano nga ba talaga ang score ko… Basta mababa… Mas mababa sa score nya…

 

Te-ne-nen (pasensya na sa sound effects… charot… ) Eto na naman… Religion na naman!!

 

As usual, pumasok si sir.. Nagkita na naman kami.. Sana one day mapansin ako ng taong to.. Bukod dun sa Ms Dialogue. Pero la eh, wa epek. Kahit na nagmamagaling ako sa subject nya, nagbabasa in advance, wa pa din mangyari.. Sana maging close pa kami.. Nagdiscuss lang naman sya ng about sa IMMERSION daw namin.. Ewan ko kung kelan at kung saan.. Tapos konting lecture na may halong kwento ng buhay nya na sobrang touching.. Haaaay… Ang swerte talaga ng magiging girlfriend ni Sir, hindi lang talaga sya mabait, super gwapo pa.. Balita ko may nagkakacrush na naman dito..

According to one of my sources.. may kakilala daw sya na student na ginawan pa ng poem si Sir.. At binasa pa sa unahan ng class… Grabe naman.. Hindi ko naman siguro gagawan ng poem ‘tong isang mamaw na ‘toh. Sabagay, wala naman tayong magagawa kung talagang crush si sir eh… Ganun ata talaga ang pag-ibig… Hihihi!!! Tapos walang epek naman ata kay Sir yung mga ganun… And take note, TOURISM ang girl ah…. Grabe lang talaga,.. Ibang level si sir.. Nagkakandarapa talaga ang mga estudyante kapag nandyan ang presensya nya.. Buti hindi pa nya ako naaapektuhan… (Sana)

My Professor becomes my Suitor!?! (Based on real experience)Where stories live. Discover now