Hit 25~New Faces

7.1K 75 7
                                    

Second semester na. Home study lang si Mia.

Nakakabagot.

Wala siyang ginawa kundi ang maupo at making sa mga sinasabi ng private tutor.

Na-miss niya ang mga kaibigan niya. Siguradong ine-enjoy na nila ang school.

Hindi tulad niya na narito lang sa bahay. Walang magawa kundi ang tumingin sa orasan.

Parang bigla na lang bumagal ang takbo nito.

Pagkatapos ng tutorial hiniling ni Mia kay Trojan na samahan siya sa Village III.

Isang beses sinamahan siya nito, pero hindi na naulit. Mas maganda raw kasi na si Yano ang kasama niya.

Parang hindi naman iyon mangyayari.

Pero kung hindi puwede sa bahay sana kahit sa paaralan ay makabisita siya.

***

"Yano, puwede ba ko'ng bumisita sa school?" tanong ni Mia isang umaga bago pumasok ang lalaki.

"Lumalaki na ang tiyan mo, dito ka na lang."

"Sandali lang naman ako. Namimiss ko na rin sina Cashmere kaya payagan mo na ko," pakiusap ni Mia. Nagpupumilit siya.

"Bahala ka na nga."

Halos mapalundag si Mia sa tuwa nang pumayag si Yano. Dali-dali siyang pumunta sa kuwarto para magbihis. Uniform ang isinuot niya.

"Halika na!"

Bigla siyang tiningnan nang masama ni Yano.

"Bakit?"

"Ano ba 'yang suot mo?"

Napanguso si Mia sabay tingin sa suot niya.

"Okey pa naman itong uniform ko, ah. Kasya pa sa akin," sabi ni Mia.

"Hindi okey!" mabilis na sagot ni Yano. "Kapag hindi mo pinalitan 'yan, hindi kita isasama!" banta niya sabay talikod. Aalis na siya.

"T-Teka Yano, ano bang mali sa suot ko?" habol ni Mia.

Tuloy-tuloy si Yano sa paglalakad. Nakabuntot si Mia.

"Taga Village I ka na ngayon kaya hindi na dapat ganyan ang suot mo," linaw ni Yano. Dito lang naisip ni Mia ang totoong dahilan kung bakit naisinis si Yano.

Kung sa bagay asawa na niya ko kaya nararapat lang na dalhin ko ang pangalan niya.

"Sige, magpapalit ako ng damit."

Pagkalipas ng mga apat na minuto, nakasuot nan g puting uniform si Mia. Pinaglumaan ito ni Yuki.

Ngumiti si Yano. "Ayan, mas maganda."

Bigla siyang namula.

Pagkalabas nila, sumalubong na agad si Nino.

"Ate!" Niyakap siya agad nito nang buong higpit. Matagal na rin kasi silang hindi nagkikita.

"Ang saya ko kasi nakita na uli kita. Gusto ko rin batiin si baby!" Hinawakan ni Nino ang tiyan ng ate niya.

Napangiti lang naman si Mia.

"Tama na nga iyang drama n'yo! Tayo na!" utos ni Yano.

Sumakay na nga sila sa sasakyan.

"Mia!"

Pagdating sa school, si Cashmere ang kauna-unahang sumalubong kay Mia.

Kinumusta rin naman siya ni RJ at ng iba pang miyembro ni Yano kabilang na si Monique.

Mistulang reunion ang nangyari.

Ilang sandali pa tumunog na ang bell.

Simula na ng mga klase.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon