Chapter 9: Gulat much!

5.3K 72 11
                                    

Hope you’ll enjoy reading this chapter.

Read, vote, comment, spread and follow

Thank you po^___^

Writer: myscarletletters

Chapter 9: Gulat much!

[CATHERINE’S POV]

2 weeks na din ang nakalipas matapos ang pagkain namin ng streetfoods. Nagkayayaan ang mga classmates ko na mag-inoman kaya andito kami ngayon sa Chip N dale Bar. Nakikinig ako sa pagkanta ni Asher. ( note: si Asher ang bida sa story kong Existed for you”)

Nag kakasiyahan na kami kasi tapos na ang prelims. Ang mga classmates ko ay umiinom ng alcoholic drinks like vodka, tequila yung mga drinks na nakakalasing while ako naman strawberry juice lang ang iniinom.

“WOW!!! Ngayon ko lang yan nakita ang ring mo Cath, ang ganda!” masayang sabi ni BFF

.

Ngayon ko lang naman to sinuot kasi nahihiya akong ipakita sa mga tao.

Baka rin ma snatch, mahal kaya neto!! Kung hindi lang sinabi ni Kyle hindi ko talaga to susuotin.

“Oo nga …ang ganda Cath…bilhin ko nalang yan” sabi ni Marie. Si Marie ay yung tipong   kung may nagugustuhan bibilhin nya  kahit may nagmamay-ari na neto.

HALLER!!!??? NEVA…AS IN NEVA KO TO IBEBENTA!!!

[TN: NEVA = NEVER]

“ummm ..alam nyo kasi Bigay to sa akin ni Kyle. ..

Tunay kasi to, kaya hindi ko to ebebenta…tunay rin kasi tong diamond at aquamarines. At pure gold din kasi to kaya hindi ko to ebebenta ..” nahihiya kong sabi

“wow, ang swerte mo Cath….ang sweet ni Kyle ..binilhan ka talaga ng tunay na diamond!”- maypagkasarcastic na sabi  ni BFF.

Nagtingin tingin ako sa palagid kasi sabi ni Kyle makikisabay daw sila ng mga barkada nya sa amin.

T.A.N.G.A. (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon