Chapter 72: Are you pregnant?

614 24 18
                                    

Pahingi ng votes at sana magcomment kayo. Salamat.

********************************************

T.A.N.G.A. by: myscarletletters

Chapter 72: Are you pregnant?

Cath’s POV

Nanlambot ang tuhod ko at napaupo ako sa sahig ng CR. Nakatulala ako habang patuloy sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko na mapigilan ang bigat at sakit na nararamdaman ko.

Parang pinipiga ang puso ko dahil sa sinabi ni Lily. Buntis daw sya at si Kyle ang ama. I know wala akong alam kung anong nangyari kay Kyle nung time na nagbreak kami pero that does not justify na merong kalokohang ginawa si Kyle. I trust Kyle.

Tinakpan ko nalang ang mukha ko dahil basang basa na ito ng luha ko. Humihikbi ako dito sa CR.

“CATH!” I heard a familiar voice.

Naramdaman ko ang yapak nya papunta sa akin at niyakap ako.

“Anong nangyari? Bakit ka nakaupo dyan at umiiyak?!” worried na tanong ni Lucy.

I just shook my head trying to say “wala” hindi ako makapagsalita at mugto na ang mata ko.

Inalalayan ako ni Lucy na tumayo.

“Cath? Bakit ka umiiyak?” I can hear that she’s really worried.

But I just gave her a half hearted smile. How could I smile genuinely after hearing Lily’s revelation? Nanginginig ako at nanlalambot pa rin ang tuhod ko.

I’m hurt. I’m broken. Pero I don’t want anyone to be involve in my feud with Lily. Ayokong may madamay pa.

Nagvibrate ang phone ko kaya I fished it out my pocket. Nakita ko ang text ni Kyle.

“Nasa cafeteria na ako. Asan ka na?”

I just replied to him na on my way na ako.

Inalis ko ang luha ko. Dahil pinagtitinginan na kasi ako ng mga tao dito at nagbubulongan na naman kasi sila. Ayokong mag-away na naman kami ni Kyle.

“Cath please answer me, bakit ka ba umiiyak?” tanong ni Lucy ulit.

“ang sakit lang ng ulo at tyan ko.” Partly true.

Ang sakit ng puson at tyan ko na parang pinipilipit sa sakit at sabayan pa ng pananakit ng ulo ko.

“ah.. gusto mo dalhin kita sa Clinic?” pagsasuggest ni Lucy.

“wag na. hinihintay ako ni Kyle sa cafeteria.”

Naglakad na kami patungo sa Cafeteria at kitang kita ko na may pinagkakakaguluhan. At nung nakita nila ako naggive way naman sila.

I knew it! Si Kyle ang pinagkakaguluhan nila.

“hi Cath.”

“Ang ganda mo talaga Ms. Catherine.”

“Congrats po.”

“sana po happy ever after na kayo ni Kyle.”

“gumawa na kayo ng baby  ni Kyle, CATH!”

Narinig ko ang bati at tuksuhan nila. Napapangiti ako pero hindi ito umaabot sa mata. How could I smile and laugh at a situation like this?

“Mahal! Antagal mo!” tawag nya nung makalapit na kami ni Lucy sa table na kung saan nandun sya.

Ang gwapo talaga nito. Nagstastand-out talaga sya dito sa Cafeteria. Ibang iba kasi ang aurang inilalabas nya. unique and rare.

Umupo ako sa tabi nya at dinikit ko talaga ang katawan ko sa kay Kyle kaya nagulat sya. Ayokong mawala si Kyle sa akin.

T.A.N.G.A. (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon