Hit 24~The Petal

7.1K 68 13
                                    

"Bumalik ka rito!" sigaw ng isang lalaki.

Madilim, kaya hindi namukhaan ni Mia ang taong iyon, pero isa ang sigurado. May hawak itong baril na ano mang oras ay puwedeng kalabitin.

Ang panaginip na iyon ang gumising kay Mia. Isa iyong nakakatakot na panaginip.

"Ah!"

Nabigla si Mia dahil katabi niya si Yano.

Ano ba naman 'yan. Ang tagal na naming kasal, pero hindi pa rin ako komportable na katabi siya, naisip ni Mia.

Bumangon siya at tumingin sa wall clock.

Alas dos palang pala ng madaling araw. Puwede pa siyang bumalik sa pagtulog, pero mukhang hindi na niya magawa. Naisip niyang lumabas na lang.

Nagpunta siya sa garden.

Malawak ang parteng ito ng bahay ng mga Matsumoto. Alagang-alaga ang mga halaman pati na ang malaking fountain sa pinaka sentro ng hardin. Madaling araw pa lang kaya bukas pa ang mga ilaw ng poste rito.

Naupo si Mia malapit sa fountain. Kasunood noon ang pagtingin niya sa lupon ng mga bituin sa langit.

Miss na niya ang pamilya niya.

Mula kasi nang masira ang cellphone niya hindi na niya sila nakausap.

Miss na niya ang luto ng nanay niya. Miss na rin niya ang halos araw-araw na training nila ng kanyang tatay sa archery. Higit sa lahat, namimiss na rin niya ang kapatid na si Nino.

Biglang bumukas ang gate. Napakunot si Mia ng noo. Sino naman kaya ang taong iyon na darating sa ganitong oras?

Isang kulay pulang kotse ang pumasok. Mula roon ay bumaba si Yuki.

Saan kaya siya galing?

Bahagyang lumapit si Mia. Tatawagin niya sana ito pero hindi natuloy nang makita niya ang hitsura nito. Nakasuot ito ng ng kulay itim na coat at may hawak na espada na may bahid ng dugo.

"Dugo ba talaga iyon?" duda pa siya. Bakit naman kasi magkakaroon si Yuki ng espada may dugo?

Ah. Ayaw na niyang mag-isip. Bumalik na lang siya sa kanilang silid.

"Saan ka galing?" salubong ni Yano. Nagising na din pala ito. "Namumutla ka may nangyari ba?" nag-aalala nitong tanong.

"Okey lang ako, huwag kang mag-alala walang mangyayari sa akin at sa baby."

"Eh, anong problema mo?"

"Nakita ko kasi si ate Yuki... may hawak siyang espada na sa tingin ko ay may dugo."

Biglang natigilan si Yano.

"Sa tingin mo, ano kayang posibleng dahilan ng dugong 'yon?" tanong ni Mia.

"Wala lang iyon," sagot ni Yano

"Anong wala? Eh dugo iyon!" giit ni Mia.

Napabuntong-hininga si Yano. "Sige ganito na lang. Tutal bahagi ka na ng pamilya, may sasabihin ako sayong sikreto."

"Sikreto?"

"Tungkol sa Petal."

Naging malaking palaisipan kay Mia ang itinuran ni Yano.

"Bahagi si ate Yuki ng Petal, isang grupo ng mga assassin."

"Ano? Assassin?"

Isang malalim na tingin ang ipinagkaloob sa kanya ni Yano. Tingin na tila ba nagsasabing paniwalaan mo ito.

"Naaalala mo ba si Gac Seo?" tanong ni Yano.

Sandaling napaisip si Mia. Kung hindi siya nagkakamali ang Gac na iyon ay ang nag-quit na miyembro ng council.

Kizuna: The Bond Between usWhere stories live. Discover now