19. Two bombs

334K 6.8K 623
                                    

"Nanay, pwedeng manood ng tv?"

Nginitian ko lang si Yto. Kararating lang naming sa bahay nang gabing iyon at binibihisan ko na sila. I was combing Yza's hair habang nakaharap sa amin si Yto, he was sitting on his bed looking at me.

"Please, Nanay..." Pinagdikit pa ni Yto ang mga kamay niya na para bang nananalangin. Umiling ako.

"May school kayo bukas. Mahiga ka na Yto Jose." Sabi ko na lang. Bago siya humiga ay nilapitan niya muna ako at saka niyakap. Parang gusto kong maiyak nang mga panahong iyon. Hindi kasi maalis sa isip ko ang naging takbo ng usapan sa library kanina. May anak pa si Sancho sa ibang babae at base sa kwento niya ay halos pareho lang ang nangyari sa amin. She was a neophyte, that happened five years ago, pagkabalik ni Sancho galing ng Amerika. Dalawang taon na noon sina Yto at Yza at pilit kong itinatago ang kambal mula sa pamilya, and yet he fathered them. Gusto kong maiyak. Mahal ko si Sancho pero hindi ko alam kung kaya kong tanggapin ang katotohanan na may anak siyang iba.

Lily had twin girls named Melissa and Melanie, nakita ko na ang mga ito kanina, Lola introduced the girls to Sancho, at sa opinion ko, hindi naman kamukha ni Yza o ni Sancho ang mga bata, kung anak ni Sancho ang mga iyon, dapat ay kamukha niya ang mga ito, ipinagpipilitan ni Lily na si Sancho ang kamukha pero wala naman akong makitang resemblance. Maybe I was being biased dahil nagagalit ako sa babaeng iyon pero hindi talaga kamukha ni Sancho ang kambal nito.

"Goodnight Nanay..." Sabi ni Yza sa akin. I smiled at her and kissed her lips. Kung sakaling anak nga ni Sancho ang mga batang iyon, paano ko ipapaliwanag sa kambal na may kapatid sila na hindi naman ako ang ina? Hinaplos-haplos ko ang buhok ni Yza at nang masiguro kong tulog na sila ni Yto ay lumabas na ako ng silid. Dahan-dahan akong pumasok sa bedroom naming ni Sancho, naligo at nagbihis na ako, mabuti at natanggal na ang cast sa kamay ko kundi, mabagal pa rin sana akong kumilos. Nakatayo ako sa may balcony nang maramdaman ko ang mga bising ni Sancho na pumalupot sa baywang ko. Hindi ako gumalaw. I leaned in his chest and sighed.

"Did you feel anything when you saw the kids?" Hindi matiis na tanong ko. Sancho sighed.

"I don't know." Sabi niya sa akin. "To be honest, wala, Sheenalyn. I don't want to be a bad guy but I feel like there's something wrong with the scenario at hindi lang iyon dahil kay Lily."

Humarap ako sa kanya.

"Pero kilala mo siya." Sabi ko. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. "Kilala mo siya diba?"

"Pamilyar siya, pero hindi ako sigurado." Sagot niya. "Sheena, it was dark that night, I was too drunk I don't even remember having sex with her. Please maniwala ka sa akin." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Gusto kong maniwala, pero parang ang hirap."

"Sheena, Lola and I talked earlier, ipapa-DNA ko ang mga bata."

"Paano kung positive?" Tiningnan ko siya.

"Hind-hindi ko alam." Binawi ko ang mga kamay ko sa kanya at saka tumalikod. "Sheena, wag naman ganito. Hindi ko naman alam iyon."

"Nandoon na nga, Sancho. Hindi mo alam. Hindi naman kita sinisisi dahil noong mga panahong iyon wala pa ako at ang mga bata sa buhay mo pero sa ngayon, natatakot ako, nasasaktan. Kung ikaw, gusto mong iyo lang ako, ako rin, I want you all mine, ayoko ng kahit, kung sakaling anak mo ang mga batang iyon, matatanggap ko sila, pero hindi ko alam kung anong gagawin ko sa babaeng iyon."

Just a night with him (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon