15. One love

421K 8.8K 1K
                                    

I was caressing Yto's face as he sleeps beside me. Hindi ako masyadong magalaw dahil masakit ang katawan ko, hindi ko rin maiglaw ang kaliwang kamay ko dahil naka-cast na ito ngayon. I was just silently looking at my son's face at kahit paano ay nakakadama ako ng relief. I couldn't forget Yto's crying face kanina, he was just so broken hearted. Hindi ko alam kung paano niya nasabi ang mga salitang iyon. Iyon rin kasi ang problema kay Yto, masyado siyang observant, at dahil sa ugali niyang iyon, mas napagtutuunan niya ng pansin ang mga bagay na hindi pa naman dapat. He's too young to even know what's happening between me and Sancho, pero sa tingin k okay Yto ay nararamdaman na niya ang mga bagay na iyon. Yza was more like the baby, si Yto masyadong mature ang isip, he's way a head from his age.

Naaawa ako sa kanya at naaawa rin ako kay Sancho, I saw the way he looked earlier bago siya lumabas ng silid. He was so upset, I know how much he loves the twins, alam ko rin kung gaano kasakit iyon para sa kanya dahil hindi pa niya masyadong nakukuha ang loob ni Yto tapos ay nasabi pa ni Yto iyon sa kanya. Awang-awa ako sa kanya. He had been trying so hard to keep his part of the deal. Hindi ko rin siya sinisisi dahil sa nangyari sa akin at kay Madeline – Madeline was just being who she is, siguro nga mahal na mahal ni Madeline si Sancho kaya niya ako nagawang saktan.

Naulinigan ko ang pagbukas ng pinto. Nakita kong pumasok si Sancho. He looked at me.

"Nasaan si Yza?" Mahinang tanong ko.

"I asked Apollo to look after her, bukas ka pa lalabas, sa mansyon muna siya ngayong gabi." He calmly explained to me. Naupos siya sa edge ng bed at saka sinulyapan si Yto.

"Kakatulog lang niya." Sabi ko.

"He hates me." He said. I shook my head. "He does, narinig mo ba siya? Ayaw niya sa akin. I am a bad person, Sheena." Ipinilig pa niya ang kanyang ulo matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. "I am a ruthless jerk, I had been called names, and I really didn't care before, pero noong narinig ko sa kanya, it hurts like hell, Sheenalyn. Hindi ko matanggap na pati siya – my own flesh and blood thinks of me that way."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Sancho. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. I have never seen him this vulnerable maliban na lang noong wala pa siya sa huwisyo niya. I wanted to hold his hand and comfort him, kaya lang hindi ako makagalaw maayos so I just sighed.

"Sancho, can you please hold my hand. I can't really move that easy." I told him. He gave me a hint of a smile and touched my hand. I gripped his hand and smiled at him.

"Hindi naman totoo lahat ng sinasabi mo. You are a good man." I said to him. Iyon ang totoo – kahit pa may violent tendencies siya, mabuting tao si Sancho, maski na tinatawag siyang "the devil in corporate suit" he is indeed a good man, umaakto lang siya sa paraang hinihingi ng sitwasyon. I am scared of him, pero kahit ganoon, alam kong mabuti siya.

"I am a bad man. I've hit you, I've hurt you---"

"Shhh... okay?" Sabi ko. "Nakalimutan ko na iyon. Hindi naman mahalaga iyon kahit siguro ako ang nasa sitwasyon mo masasampal rin kita kasi itinago mo sa akin ang mga bata."

Hindi siya nagsalita. I wanted to touch his face. Damn this pain I am feeling. I sighed.

"Sancho, lapit ka." Sabi ko sa kanya, lumapit nga siya, I was able to touch his face with my right hand. "Mahal kita."

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya I saw the confusion in his eyes – it was as if he didn't know what to do now. I was just eyeing him as he looked at me. I sighed. What's the use of hiding my feelings for him? Noon ko pa naman siya mahal, akala ko nga nawala, akala ko basta ko na lang nakalimutan kasi natanggap ko sa sarili ko noon na talo pa naming ang tubig at langis – kahit kailan hindi pwedeng magsama, pero ngayon, ito na iyong ilusyon ko, nandito na siya, siya ang ama ng mga anak ko, hindi ko pa ba siya mamahalin? No matter how bad of a man he was, I love him still, I love every bit of him, his cruelness, his ruthlessness, his childish side, his roughness – good man or bad man I am in love with Sancho Consunji and I am not scared of admitting that now. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit sa pagsasabi kong mahal ko siya, gusto ko lang ipaalam sa kanya na kahit iniisip niya siya na ang pinakamasamang tao sa mundo ay may isang tulad ko na mahal na mahal siya.

Just a night with him (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon