Chapter 3

43 2 1
                                    

Nasa 7th floor na ako, sa aking classroom at nagulat kasi wala pang tao. Tinignan ko yung hello kitty watch ko, aba! 6 am pero ni isa sa mga kaklase ko eh wala pa. 7 am ang klase naming ngayon. Doon ako umupo sa aking usual seat sa may gilid sa may tapat ng aircon. Isa lang yung aircon sa room, window-type, pero malamig siya as in super lamig na para akong nasa north pole. Kakaiba ang temperatura ngayon dito sa kwarto na to. Wala pa naman akong dalang jacket. Nilagay ko sa 32 degrees yung aircon kasi kapag pinatay ko baka magalit yung ibang mga kaklase ko kasi super init na ng classroom kapag dumating sila. Lumipat ako ng ibang upuan at pumili ng lugar na hindi ganoon kalamig.

Inilabas ko yung libro na gagamitin para sa aking first subject at nagbasa kasi may long quiz kami ngayon sa discrete structure. Habang nagbabasa napansin ko na parang lalong lumamig at bumaba yung temperatura sa classroom. Lumapit ako sa aircon at nasa 32 degrees pa rin naman at nakafan pa. Nung chineck ko yung hangin na lumalabas rito eh mahina lang at hindi ganoon kalamig. Nakapagtataka naman ito!

Bigla ko tuloy naalala yung sinabi sa akin ni Cheri, yung president ng booklovers club na sinalihan ko simula first year. Sabi niya may ligaw na kaluluwa daw na nagpaparamdam dito sa IT building at ang madalas daw na tambayan nito ay dito sa 7th floor. Madalas ay ginugulo nito ang mga estudyante na pumapasok ng maaga at umuuwi ng gabi ng mag-isa. Wala pa daw nakakakita rito pero ang isa daw sa senyales ay ang biglang paglamig ng paligid. Kasunod nito ay ang tunog ng mga maliliit na yabag kasabay ang kaluskos na parang isang malaking sawa ang gumagapang. At ang panghuli ay ang tunog na parang istasyon sa tv matapos nila magsign off sa madaling araw. Siyempre hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya. As if naman noh? Lahat ng school ay may mga ganitong klase ng istorya.

Bumalik ako sa aking upuan at itinuloy ang aking pagbabasa.

...dug...dug...dug...dug...dug...dug...dug...dug...dug...dug...

...ssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss...

Nakakapagtaka naman, talagang kung kailan ko biglang naisip yung sinabi ni Cheri sa akin eh saktong nangyayari sa akin ito. Parang narinig ko yung tunog sa may bandang harapan malapit sa blackboard. Lalong lumamig sa classroom. Nangangatog na nga ako eh.

...dug...dug...dug...dug...dug...dug...dug...dug...dug...dug...

...ssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss...

Ako ay napatingin sa labas ng classroom. May square na glass panel yung pinto ng room. May dumaan na babaeng nakajeans at red frilly blouse. Yung hair niya kulay brown at ang kapal kapal ng make up niya. Kinabog niya si angelina jolie sa sobrang emphasis sa kanyang mapupulang labi. Nakita kong inirapan niya ko with matching smirk na nakapout. Lol! Siya lang makakagawa nun ah. Pagkalampas niya sa pinto, Umulit na naman yung tunog ngunit ngayon mas malapit na ito sa akin. Parang iniikutan ako nito pero di ko pinapansin. Patuloy lang ako sa aking pagbabasa. Mas nakakatakot bumagsak sa quiz kaysa makakita ng multo. Ang multo palaging nandyan eh yung long quiz? Mahirap bumawi ng grade kapag naibagsak ko to lalo pa't mababa yung nakuha kong grado sa nakaraan naming long quiz last week. Tinignan ko yung watch ko 6:15 na pero wala pa rin yung mga kaklase ko. Napaisip tuloy ako, Martes naman ngayon at nasa tama akong room baka wala kami pasok. Kinuha ko yung cellphone ko at nagtext sa mayor ng klase namin na si Mikaela.

"Yo, mika, may klase ba tayo? 6:15 na pero ni isa wala pa tao bukod sa akin" sabi ko sa text. Makatapos ang ilang segundo may reply na.

"Ay, nandito na ako. nsa 5th fl. Ang klase natin ngayon. Room 505. Walang klase ngyon diyan sa 7th floor kasi ipaparenovate ang buong floor sabi ng dean natin" sabi niya sa text. Holo! Bakit? Ibig sabihan ako lang ang student na nandito sa buong floor na toh? Agad kong inayos ang aking mga gamit at nung tumayo ako yung babae kanina nasa harapan ko na.

May kung anong mabilis na kuryente na dumaloy sa aking buong katawan. Kinikilabutan ako ng sobra. Sa malapitang tingin, kakaiba ang hugis ng kanyang mata. Hugis mata ng lawin. Yung kanyang bangs ay hinaharangan ang kanyang kulay brown na kilay na sobrang ahit na ahit. Parang tuldok lang yung kilay niya kung titignan. Ngumiti siya at yung ngipin niya patusok lahat. Hindi ko magalaw ang aking katawan. Napatitig ako sa kanyang kulay dilaw na mata. Parang mata ng ahas ang kanyang mga mata. Ang bilis na ng kabog ng aking dibdib.

Inihampas ko ng malakas yung bag ko sabay takbo. Hindi ko alam kung tumumba ba siya o hindi basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ang lumayo sa kanya. hindi na ako nagelevator. doon ako sa hagdan dumiretso. Sa bilis ng kabog ng dibdib ko hindi ko namalayan na nasa  1st floor na pala ako. akalain mo yun. nakababa agad ako. namumutil yung pawis sa noo ko at hingal na hingal ako. 

"Ano nangyari?" sabi ng pamilyar na boses. pagtingin ko andun si Yoh.

"oh?! ano ginagawa mo rito?" sabi ko sa kanya kahit na hinahabol ko pa yung hininga ko. "stalker talaga kita!"

"nalimutan ko kasi ibigay sayo yung pinapabigay ng ate mo kanina kaya bumalik ako. ok ka lang? bakit hingal na hingal ka?" nakita ko ang pagaalala sa mga mata ni Yoh para sa akin.

"Naku di ka naman maniniwala kapag sinabi ko eh. kahit ako parang di rin naniniwala sa nakita ko."

A Thousand Moonlight [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon