Chapter 2

82 2 1
                                    

... Just give me a reason... just a little bit's enough...

Ang sarap ng tulog ko... ayoko pa bumangon...

... just a second we're not broken just bent...and we can learn to love again...

Kaunti pa... asan na ba yung cellphone ko? bakit di ko makapa?

TOK... TOK... TOK...

"Ya! Gising na!" narinig kong sabi ni Ate Ness sa likod ng pinto.

"Gi-sing n-na aaaaaaaa-kooooooooooo" Please kaunting minuto pa...

"Di ako naniniwala. Hangga't hindi mo binubuksan ang pintuan na ito hindi kita titigilan!"

"A-teeee... please gi-ive meee fi----ive mo-ooooore miii-iiiinutes" buong pagmamakaawa ko. pero di pa rin ako natinag sa aking pagkakahiga.

"Kapag hindi ka lumabas, pangako simula ngayong araw na ito hindi ko na aalagaan yang mga bonsai mo!" at sa mga salitang yun nagising ang diwa ko at agad tumayo para buksan ang pinto.

"Ate naman! Walang ganyanan... Wag niyong idaan sa dahas ang pag-gising niyo po sa akin." bugnot kong sinabi kay Ate Ness na may Rollers pa ang buhok at nakaduster na kulay berde.

"ikaw kasi eh ayaw mo pa gumising~"

"Alam mo Ate... palagi ka pong humahadlang sa pagmamahalan namin ng aking kama. Hindi niyo po ba nakikita ang labis kong pagkalungkot tuwing umaga tuwing lilisanin ko siya?"

"Kung hindi mo siya lilisanin, paano ka papasok ng eskwelahan aber?" nakapamewang na sinabi niya sa akin. "Tsaka may gwapong lalake dun sa baba na naghihintay sayo, Yoh ata yung pangalan niya."

Nanlaki mata ko. Nalimutan ko na pupunta siya para sunduin ako at kumain ng Paella ko.

"Awww... sige ate maliligo na po ako."

Mabilis akong naligo. Medyo masakit pa rin yung balakang ko pero tolerable naman yung pain na nararamdaman ko. Tinignan ko yung tagiliran ko sa harap ng salamin. ANAK NG TIPAKLONG!!! Para akong pasang tinubuan ng kamay, paa at ulo. Ang laki ng pasa sa bandang balakang ko halos 2/3 ng likuran ko ang sakop niya. Anak ng... HAAAAYYYYY... May mga galos din sa aking mukha at mga kamay. May malaking pasa rin sa may bandang siko. Dahil sa mga bakas ng kastupidan ko hindi na ako namili ng damit na susuotin ko. Isinuot ko agad yung unang damit na nakuha ko sa loob ng cabinet. Agad kong sinuot yung contact lens ko. Wow! HD.

Pagkababa, nandun sa may sofa si Yoh. Nakasuot siya ng asul na polo at may gray na necktie na may stripes na itim. Nakagel ngayon ang buhok niya. Mukhang papasok siya ngayon sa kanyang trabaho.

"Good morning, Leia" nakangiting sabi ni Yoh. Halos masilaw ako sa pangtoothpaste commercial na ngiti niya.

"Oi anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

"Nalimutan mo na ba yung pangako mo na Paella?" nakangiting sabi niya.

"Bakit kailangan ganito kaaga? Pwede namang mamaya ka na pumunta eh"

"Baka maubos na mamaya eh kaya pumunta ako ng maaga." Gosh! Ang sakit sa mata ng killer smile niya. "sinabihan din kita na I'll pick you up today."

Isang malakas na tunog mula sa kanyang tiyan ang narinig ko. hahahaha... di pa ata kumakain ang lokong ito.

"Tsaka di pa ako kumakain... narinig mo naman yung kulo ng Tiyan ko" napatawang sabi niya.

"Oh siya, sige! Halika na sa may hapagkainan."

Sinundan ako ni Yoh papunta sa may lamesa. Umupo ako sa kabisera at siya naman sa may kanan ko. Dumating si Ate Ness na dala-dala ang Paella. Inilagay niya yung Paella sa gitna at umupo sa aking kaliwa katapat ni Yoh.

A Thousand Moonlight [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon