MB32

310 12 0
                                    

"Rin, tama na yang kaiiyak mo. Dalawang araw ka ng nagkukulong dito sa kwarto mo, ni isa wala kang kinakausap samin. Bumangon ka na" Kuya Mark, halos dalawang araw na nga akong nakahilata dito sa kama ko. Wala akong ganang gumalaw, kumain, maligo, o ano ano pa. Gusto ko lang humiga ng humiga hanggang sa matauhan ako, ito din ang naramdaman ko dati nung akala ko'y namatay si Alvin.




nung nagring ang phone ko agad akong napabangon, ngumiti kaagad ako baka si Yuan ang tumatawag!




but suddenly, my smile fades away. Si Alvin lang 'to, 2 days ago na din kasi siya nagpaparamdam sakin since pumunta ako sa bahay nila. Bumalik na ulit ako sa kama ko, umupo naman si Kuya Mark sa tabi ko.





"Rin, nag-aalala na kami sa'yo. Lalong lalo na si King, nagla-lock ka pa daw ng kwarto" mahinahong sabi ni Kuya Mark sakin.




tumulo na naman ang luha ko "Kuya, sobrang sama ko ba na minahal ko na si Yuan kahit na may boyfriend pa ako? di ko naman alam na buhay pa si Alvin eh, ang alam ko patay na siya"




"Ano na kayo ni Yuan ngayon?" tanong niya sakin, ano pa? at wala din naman kami.





"Hindi ko alam, hindi ko na kasi siya ma-contact" tapat kong sagot sakanya, wala din namang mangyayari kung mag-sisinungaling ako.





"Mahal mo pa ba si Alvin? kung mahal mo pa siya, edi ayusin niyo. Kung hindi na, itigil niyo na. Dun ka sa taong mahal mo, at si Yuan yun Kyrine"





niyakap ko ang unan ko "Kuya, gusto ko maging matapat ako sa'yo. Kaya may sasabihin ako, sana wag kang magalit sakin"





"Sige sabihin mo" pinahid niya ang luha ko na nagsisituluan na naman.





"I'm sorry kasi pinaglaruan namin kayo, yung samin ni Yuan sapilitan lang kung bakit naging kami. Hindi namin mahal ang isa't isa, pero time passed by unti unti ng nahuhulog ang loob ko sakanya. Hindi intension yun, malay ko ba na mamahalin ko ang tulad nun? Hindi siya swak sa ideal man ko, pero wala eh. Tinamaan ako sakanya, at dahil sa tulong niya naka-move on ako kay Alvin na akala kong patay yun pala nabuhay" wag naman sanang magalit sakin si Kuya Mark, di ko na kakayanin pag siya nagalit pa sakin.




Monster Boyfriend (EDITING)Where stories live. Discover now