MB27

306 11 1
                                    

Kagabi pa ako binabagabag ng eksenang ginawa ni Yuan, ni hindi nga ako nakakain at nakatulog ng maayos dahil hindi ko talaga alam ba't ganun ang inasta niya. Nasisiraan na siya siguro ng bait.





nilagay ko ang mga chips na bitbit ko sa ibabaw ng coffee table namin sa living room, ini-On ko ang flatscreen namin saka ako sumalampak sa sofa para manood ng movie. Yeah magmo-movie marathon ako kahit ako lang mag-isa, bakit? required ba na sa t'wing magmo-movie marathon sampu kayo ang manonood? diba hindi naman, kaya wag kayo. Ako lang mag-isa dito kasi sina Kuya Mark at Kuya King ay balik trabaho na, samantalang si Kuya Prince naman ay may schedule sa private doctor niya ngayon. So, sad life ako lang mag-isa sa magara at malaking bahay na 'to.





"Miss Kyrine, may nagpapadeliver po nito sa'yo" sabay pakita ng bouquet of flowers, kanino naman galing 'yan?





"Jena, hindi po ako nagpadeliver ng bouquet of flowers. Baka hindi akin 'yan, ibalik mo sa delivery boy" simpleng sagot ko without glancing at her, nakatutok pa din ako sa pinapanood ko.





She's dating the gangster nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang pinapanood ko ngayon kaya kulang nalang lagyan ko ng sticky pad ang noo ko na 'DO NOT DISTURB'







"Miss Kyrine, nakapangalan po sa'yo ang delivery paper. To Kyrine Paris Abueva" hay naku, marahas kong pinause ang dvd saka ako umupo ng maayos.





"Akin na nga yan ng mapermahan ko na ang dapat permahan, sagabal!" inabot naman niya sakin kaya pinirmahan ko na kaagad, binalik ko naman sakanya ang pinirmahan ko. "Ilagay mo nalang diyan sa table, and don't disturb me again" I added.





And at last hindi na nga ako binulabog, nakakaiyak naman 'to! At kinilig ako dun sa "Athena, I can't breathe' Ohmygosh, makahanap nga ng Kenji ng buhay ko.






~


Sobrang nakakaiyak ang movie na 'to, andami kong luhang nasayang dahil dito. Dali dali kong pinatay ang dvd habang umiiyak ako, bumalik naman kaagad ako sa sofa at dumapa dun. Grabe naman, bakit ba sobra akong nasasaktan sa mga eksena sa pelikula na 'yun?






I stiffened nung may naramdaman akong humaplos sa likuran ko "Hey missy, how are you? what can you say about the flowers? did you like it?"





tumango tango ako bilang sagot, pero nakadapa pa din ang posisyon ko sa sofa.





umupo siya sa gilid ko "Hey, umupo ka nga. Ano ba yang posisyon mo, very unladylike"






umupo naman kaagad ako, very obedient.





his forehead creased "Damn. Why are you crying?!"






pinakita ko sakanya ang lalagyan ng tape na SDTG "What? umiyak ka ng dahil sa movie na 'to?"






tumango tango ako na parang bata "Eh kasi naman, ang lungkot ng story ni Kenji at Athena"





Monster Boyfriend (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon