Part 2

9K 466 122
                                    

PAGKATAPOS nang gabing iyon, lalo pang naging komplikado ang lahat. Gulung-gulo ako. Ang alam ko ay sugatan ang puso ko dahil sa katatapos lang na breakup namin ni Anna. Dapat hanggang ngayon ay isinusumpa ko pa rin ang forever, dapat ay bitter ako, galit, at sumisigaw ng hustisya! Pero bakit sa tuwing nakikita o naririnig ko ang boses ni Kyra, daig ko pa ang isang teenager na first time dapuan ng “pers lab?”

Napaka-unfair talaga ng mundo. Bakit naman kung kailan magtetreinta na ako ay ngayon ko pa ito naramdaman? Iyong ganito kasaya at kasarap na feelings. Iyong bang… Iyong parang… haaayyy, mahirap ipaliwanag pero damang-dama iyon ng sugatang puso ko.

Wait, sugatan? Sugatan pa nga ba?

Napabuntong-hininga ako. Alam ko ang sagot sa tanong na iyon. Pero natatakot akong aminin iyon sa sarili ko. Masyadong komplikado at ayoko nang komplikado. Masakit sa ulo. Dahil doon, at dahil sa tingin ko ay iyon din naman ang tamang gawin, naisip ko na maglagay muna ng distansiya sa pagitan namin ni Kyra.

At mukhang nakikiayon naman sa akin ang pagkakataon dahil nitong mga sumunod na araw ay nagkasunud-sunod ang mga weddings, birthdays, at kung anu-ano pang mga parties na nangangailangan ng masasarap na cakes. Tuloy ay kandaugaga kami nina Bisca at ng apat ko pang kitchen helpers sa pagbe-bake ng mga orders. Sobrang naging busy kami. Pero thankful na rin ako, dahil kasi doon, hindi ko na kailangan pang mag-imbento ng kung anu-anong palusot upang tanggihan ang mga paanyaya sa akin ni Kyra.

“Miss Bing, iniiwasan mo ba ako?” Isang gabi ay kompronta sa akin ni Kyra habang abala ako sa pagtatapon ng mga basura sa labas ng bahay namin. Bukas kasi ang schedule ng garbage truck na pi-pickup sa mga iyon kaya inaayos ko na rin.

“Iniiwasan? H-hindi, ah. Ba’t naman kita iiwasan?” pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay iniiwasan ko talaga siya. “Busy lang ako. Nagkasunud-sunod kasi ang mga orders.”

Pero matalino talaga siyang bata dahil hindi man lang siya nauto sa mga palusot ko. Halatang hindi siya naniniwala. “Hindi ako naniniwala,” sagot pa talaga niya.

O, kitam? Lihim kong naitirik ang mga mata ko. “Eh, de huwag.”

“Ba’t mo ako iniiwasan? May nagawa ba akong masama sayo, Miss Bing?” bakas na ang pangamba sa mukha niya. “Galit ka ba sa’kin?”

“H-hindi! Syempre, hindi. Ano bang klaseng tanong 'yan?” Bigla tuloy akong na-guilty. “Busy lang talaga ako. Umuwi ka na sa inyo. Sige na.”

“Hindi ako uuwi hangga’t hindi mo sinasabi sa’kin ang totoong dahilan nang madalas na pag-iwas mo sa’kin,” pagmamatigas niya.

“Hindi kita iniiwasan, okay? Guniguni mo lang 'yon.”

“Hindi 'yon guniguni, nararamdaman at nakikita ko. Iniiwasan mo ako.”

“Kyra—”

“Bing,” mabilis na putol niya. Seryoso na ang tinig niya nang mga sandaling iyon at puno ng awtoridad. Natameme tuloy ako. First time ito, ang tawagin niya ako sa pangalan ko nang walang ‘Miss’ sa simula. “Mahal kita. Mahal na mahal…” Ang madamdaming pahayag niya. “At alam kong alam mo 'yon dahil kahit kailan ay hindi ako nagkulang sa pagsasabi at pagpapadama n’on sayo.”

“Kyra… K-kailangan mong maintindihan na… na hindi puwede.”

“Bakit? Dahil pareho tayong babae?”

Marahang umiling-iling ako. “Dahil…” tila hinugot sa malalim na balon ang hiningang pinakawalan ko. “Dahil napakabata mo pa.” Sa wakas ay nasabi ko rin.

Napakunot-noo siya. “Bata?”

“Eighteen ka pa lang. Masyadong bata para sa’kin na magtetreinta na next month,” paliwanag ko.

Kyra YueseffWhere stories live. Discover now