Chapter 14: Hidden Dirts

1.4K 79 17
                                    

Bea's P.O.V








Masakit sa pakiramdam na ikaw ang pinagsasabihan na killer. Hindi ba nila maintindihan? Hindi nga ako ang killer at bakit naman ako papatay? Ni minsan hindi ko ginusto na may namamatay sa amin. Hindi kasi nila ako naiintindihan.

















TAMA si Alice. Hindi ko pa nga sila lahat kilala. Lahat sila may tinatagong kasamaan. Akala ko nung una mababait sila at rerespetuhin ako pero hindi. Mas malala pa pala. Mas mabuti pa hindi na lang ako lumipat sa school na to.























Andito ako ngayon sa detention room at natutulog sina Pauline, Czarina at Princess. Hindi lang kami ang andito. May 3rd year at 2nd year students din. Natulog na lang ako kasi masakit ang ulo ko sa sobrang lakas na pagsabunot nila saakin.




















" Tama na! "














Hinanap ko kung nasaan galing ang sigaw at nakita ko ang isang babaeng estudyante at pinapatay siya ng isang babae na blurred. Hindi ko makita ang mukha ng pumapatay kay Daney. BTW, Nakita ko ang pangalan niya sa may I.D. niya.



















Pakatapos ay umalis na yung pumatay kay Daney habang si Daney ay nawalan na ng malay.























Hayssst! Palagi ko na lang tong napapanaginipan. Ano kayang ibig sabihin nito? Tiningnan ko ang wristwatch ko at 9:45 na. Grabe almost 2 hours na pala ako tulog. Nagugutom na ako (≧σ≦)




















Kumain muna ako ng biscuits at naglakad lakad dito sa detention room. Nakita ko sina Pauline na tulog pa din. May nakita akong mini-library kaya pinuntahan ko ito. Kumuha ako ng libro at pumunta ulit sa pwesto ko. Habang nagbabasa, napatulog ako.




















" Tulungan mo ako......... Please " , naiiyak na sabi ni Daney habang papalapit saakin.


















Puno siya ng saksak at umaagos ang dugo sa uniform niya.


















" Patayin mo siya! Kaklase mo ang pumatay saakin! Tulungan mo ko! Patayin mo siya......... Nakikiusap ako..... " , umiiyak na sabi ni Daney at bigla na siyang nawala.



















" Bea......... Tulungan mo kami! " , nagulat ako sa nakita ko. Andun ang labing-isa kong kaklase na namatay at kasama din nila si Daney.


















" Oo sige. Tutulungan ko kayo pati na rin ikaw Daney "























" Bea, makinig ka " , sabi ni Jed



















" Bea, ang pumatay saamin at kay Daney ay iisa lang. " , sabi ni Hannah

















" Patayin mo siya Bea....... Nakikiusap kami........ " , sabi nilang lahat at umiiyak.
















" Bea...... Bea anong nangyayari sayo? " , nagising ako nang marinig ko ang boses ni Alice na puno ng pag-aalala. Tiningnan ko ang oras ko at 11:50 na. Lunch time na pala.





















You're Next (Book 1) [Editing&Revising]Where stories live. Discover now