CRUSH 6

1.5K 80 4
                                    


FRIDAY. March 11, 2016 ❤️

This is a community service day. So, Di ko na ineexpect na makikita ko pa siya.

Pang-kpop ang suot ko ngayon, kaya medyo maraming tumitingin sakin.

'Naconscious tuloy ako sa suot ko.'

Wala naman kaming ginawa sa community service kaya 9:30 palang ay bumalik na kaming lahat sa school.

Nauuna kaming maglakad sa hallway ni Hazel kaya tumigil muna ako at napatigil din siya. Nagtanong siya kung bakit ako tumigil, sabi ko naman hintayin muna natin sila mam.

'Totoo, kasi kamin dalawa lang ang naglalakad. At sa dadaanan namin duon ay maraming tao, nahihiya ako sa suot ko. Hahahah!'

Kaya ayun, hinintay namin sila mam. Nung sumigaw ako ng 'Bilisan niyo kyle!' Sa kanila ay hindi maipinta ang mukha ko sa sobrang bagal nila maglakad.

Nang tumingin ako sa harap kung saan may hallway din papunta sa gawi ko ay literal na lumaki ang mata ko.

'Nakita ko siya!!!!'

My heart starts beating fast again... because of nervous, i think?

Kaya mabilis kong iniwas ang paningin ko sa kanya at ipinunta sa mga kaklase ko.

Naglalakad siya papunta sa gawi ko!! At may kasama siyang isang lalaki. Sa isang tingin ay nagawa kong pasadahang ang buong itsura niya!

Nakacheckered ng red, pants and black and white nike shoes. Hihi!

'Ang gwapo niya talaga!'

Sa peripheral vision ko ay nakita kong papalapit na siya sa akin! Kaya nung makita kong nandto na ang mga hinihintay namin ay biglang nagsalita ang bibig ko!!

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nung maramdaman kong dumaan siya sa mismong HARAP ko!!!

'Waaaaaaahhhhhhh!!!'

Kunwari kinakausap ko pa yung kaklase ko Pero naka focus talaga ako sa kaniya!

Nakita kong pumasok siya sa room na sinasandalan ko. Mabilis kong tinignan kung anong room yun, dahil paniguradong ito ang room nila every friday!

'Room 107'

Mabilis akong tumalikod nung makita kong lumabas siya ng room nila tsaka sumandal sa pintuan, at nakaharap sa gawi ko!!!!

Kunwari ay hindi sinasadyang mapatingin ako sa kanya at parang gusto kong sumigaw ng malakas nung nagkatinginan kami pareho!!!

Umiwas agad ako dahil HINDI KO KAYA MAKIPAGTITIGAN!!!!

'Bakit ba kasi ngayon pa ako inatake ng KILIG sa katawan!!'

Nakakahiyaaaa T_T

Sakto namang hinila ako nila hazel paalis kaya wala sa sariling naglakad ako patalikod.

'Wala akong masabi. Basta ang alam ko lang... Kinikilig ako! Ahhahahaha!'

❤️❤️

'Tingin pa lang niya parang hihimatayin na ako sa sobrang kilig. Nakakainis! Bakit ba kasi ganito ang feeling?!! Nakakahiya tuloy... T_T'

***

"Based on psychology, a CRUSH only lasts for a maximum of 4 months, if it exceeds, then you are already inlove."
-unknown

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon