CRUSH 3

1.8K 86 4
                                    


TUESDAY.

Hindi ako pumasok kahapon kaya hindi ko siya nakita. Tuesday ngayon at wala akong subject na kaklase siya.

'Kapag nakita kita ngayon araw na ito, crush mo din ako.'

Hahaha!

Vacant ko ngayong time na to at wala akong kasama. I called one of my friends here in university, sinabi niyang nasa GYM siya at kasama niya mga barkada namin na nakiseat in.

So, i got the urge to go there para may kasama ako. When I entered the GYM, i frozed.

'H-he's here...'

I stopped walking. I felt something in my chest. Feel ko lumundag ang puso ko nung makita ko siya! Nakaupo siya sa kaliwang side ng bench kasama ang dalawa pang kaibigan niya, i guess?

Nagtuloy akong naglakad nung makita kong napatingin siya sa akin.

'Oo! Sa akin mismo!'

Walang choice kundi dumaan sa harap nila papunta sa mga kaibigan ko sa dulo dahil sa kanan ay may nagbabasketball.

Hindi ko na mabilang kung nakailang lunok na ako habang dumadaan sa harap nila. Binilisan ko pa ang paglakad dahil feel ko ay tinititigan niya ang bawat hakbang na ginagawa ko.

'Geez! Ang assuming ko! Hahahahaha!'

Nang makarating ako sa pwesto ng mga kaibigan ko ay agad akong naupo. At sa kanya agad dumapo ang mga mata ko.

Kinakausap ako ng mga kaibigan ko, kwento sila ng kwento at puro tango lang ang ginagawa ko pero nakatingin pa rin ako sa gawi ng crush ko.

Nung tumatawa ang mga kaibigan ko ay pilit naman akong nakitawa, tsaka pasimpleng tinignan ang crush ko.

'Omg! Masilayan lang kita, buo na araw ko! Hahaha!'

Ilang beses akong pasulyap sulyap sa kaniya, at kung minsan ay nakikita ko siyang napapatingin din sa gawi ko.

'Waaaaahhh! Hahaha! Sana ako ang tinitignan mo!'

Pasimple kong inayos ang buhok ko tsaka naglagay ng powder, dahil ang init init dito sa loob ng GYM.

'Ang haggard ko na! Nakakahiya sa crush ko! Shocks! Baka maturn off, shems!'

Hindi maipinta ang mukha ko nung makita silang tumayo at lumabas ng GYM.

'Badtrip! Hindi man lang lumingon dito bago umalis!'

Haaays...

'Kung araw araw kang nandito sa GYM, sige, titiisin ko ang init para sayo. Makita lang kita at maramdaman ang presensya mo.'

❤️❤️❤️

'Thank youu! Dahil hindi na lang sa wattpad ako kinikilig, pati na din sayo.'

Grabe, anong ginawa mo sa'kin CRUSH?

d--,b

***

"Dear crush, I'll be fine as long as you stay single."
-unknown

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon