Chapter 6

11K 131 20
                                    

CHAPTER 6

 

Ilang Linggo ding naging usap usapan ang nangyaring pagkaposses ni Aileen sa haunted restroom, mahirap kalimutan ang gantong pangyayari lalong lalo na para sa mga kaibigan nitong si Ysa at Marj. 

Ilang araw hindi pumasok si Marj dahil sa nangyari kaya nakakuha ng pagkakataon si Corine na maaya si Ysa dahil wala itong kasama.

"Ysa.. Samahan mo naman ako sa Mall, shopping tayo, tas magpa-spa at magpaparalor na din tayo.

"Ah, eh.. may klase pa tayo diba?"sabi ni Ysa.

"Mamaya pa namang 2pm yun eh, 10:30 pa lang, sige na please" pakiusap ni Corine.

Walang nagawa si Ysa kung hindi ang sumama na lang kay Corine, wala naman syang ibang choice dahil alam nyang kukulitin at kukulitin sya ng dalaga.

Una silang pumunta Mall para mag-shopping, pinamili ng pinamili ni Corine si Ysa.

"Palitan mo na yang mga sinusuot mo, hindi yan bagay sa ganda mo" nakangiting sabi ni Corine at saka pinagpatuloy sa pamimili.

Pagkatapos mamili ay dumiretso sila sa isang parlor, pinutol ang mahabang buhok ni Ysa at saka bahagya itong kinulot, kinulayan din ito para magkaroon naman ng konting buhay.

"Wow, lalo ka gumanda Ysa, bagay na bagay na talaga tayo mag-kaibigan"prangkang sabi ni Corine.

Ngiti lang ang sinagot ni Ysa, at saka pinagmasdan ang sarili nya sa salamin, infairness, talagang mas gumanda sya kumpara sa manang na dating nya.

+

"Oh pare, buhay ka pa pala, Anong nangyari sayo at ang tagal mo nawala"tanong ni Yuan sa kararating lang na kaibigan.

Pero imbes na sumagot ito ay dire diretso ito sa upuan, hindi na ito inusisa ni Yuan at kabisado nya si Lexin, alam nya na tungkol na naman sa ama nito ang problema ng kaibigan.

Pero hindi iyon alam ng kararating lang na si Bea na ng makita si Lexin ay agad itong lumapit sa binata.

"Hi Lexin, kamusta ka na? Bakit ngayon ka lang pumasok? Miss na miss ka na namin"maarteng wika ni Bea at saka ipinakita pa ang cleavage.

Naiiritang nagtaas ng ulo si Lexin at bumungad sa kanya ang dibdib ni Bea. Tinitigan nya iyon at saka tumingin sa mukha ni Bea na nakangisi pa.

"Pwede na Beatrice.. Ilayo mo nga sa akin yang dibdib mo at nauumay ako!"asar na sabi ni Lexin.

Tawanang umaatikabo naman ang mga kaeskwela nilang nakadinig.

Nakasimagot na bumalik si Bea sa upuan. Sakto namang dating ni Corine.

"EVERYONE.. YOUR ATTENTION PLEASE..!"tawag pansin ni Corine sa mga kaklase. " I would like you to meet the new Ysabella Fajardo." at saka hinila ni Corine si Ysa sa labas.

Campus Queen Compilation (COMPLETE)Where stories live. Discover now