Chapter 3

11.8K 156 17
                                    

CHAPTER 3

"What the fuck!?" galit na galit na sabi ni Yuan ng makitang hinagis ni Ysa ang digicam nya. "Sira ulo kang babae ka!" sigaw nito sabay susugurin sana sya pero mabilis si Lexin at napigilan niya si Yuan.

"Pare, babae yan.. Hindi ka naman siguro bading para pumatol" awat ni Lexin dito.

"Eh hindi nama babae yan eh! Aswang yan, punyeta ang babae ka ah, bayaran mo yan!"gigil na gigil na sabi ni Yuan.

Si Ysa naman ay hindi pa din makarecover sa nakita sa digicam kaya hindi nito pinansin ang mga sinasabi ni Yuan.

Mas nabwiset naman si Yuan dahil parang walang pakialam si Ysa, kumawala ito sa awat ni Lexin at saka tinulak ang babae.

Bumuwal naman si Ysa dahil sa pagkatulak ni Yuan, doon ay nahimasmasan na sya at tiningnan ng matalim si Yuan. Hinila naman ni Lexin si Yuan at inilayo don.

"Pare, ano ka ba! Babae lang yan tas sasaktan mo ng ganyan! Mahiya ka naman!"asar na sabi ni Lexin sa kaibigan.

Ganong eksena ang nadatnan ni Corine at ng mga kaibigan, kitang kita nila ang reaksyon ni Lexin sa ginawa ni Yuan kay Ysa. At isang plano ang pumasok sa isip nya.

"Ano ka ba naman Yuan! How could you hurt a helpless girl, ano bang ginawa nya sayo to be like that!"

Sita ni Corine kay Yuan at saka tinayo si Ysa. "Are you okey? Nasaktan ka ba? Gusto mo dalin ka namin sa clinic?"mabait na wika nito.

Iling lang ang sinagot ni Ysa at saka mabilis na tumayo at tumakbo palabas.

"ASWANG!"pahabol na sigaw ni Yuan.

"FUCK OFF!"galit na sabi ni lLexin at saka tinabig si Yuan at saka lumabas ng room.

"Lex, saan ka pupunta?" tanong ni Corine.

"WALA KA NA DOON!"malamig na sagot nya sa dalaga.

+

Takbo, lakad ang ginawa ni Ysa, masamang masama ang loob nya, ni hindi na nga nya napansin kung saang parte na sya ng school napunta, bastat ang gusto lang nya ay ang makalayo sa mga walang kwentang tao na yon.

Nakarating sya sa pinakalikod ng Campus, tahimik doon at talagang nakakakilabot ang paligid, isang malamig na hangin ang sa kanya ay parang yumakap. Napansin nya na may nakaupong babae sa isa sa bench doon, sa tantya nya ay kaedad nya ang babae, napansin nya na umiiyak ito. Nilapitan nya ang dalaga at saka umupo sa tabi nito.

"Miss, okey ka lang?" concern nya sa babae.

Pero hindi man lang ito lumingon sa kanya, bagkus ay pinagpatuloy nito ang pagiyak.

"Siguro, pinagkakatuwaan ka din nila noh? Mga tao talaga, walang magawa.." naiiling na sabi nya.

"Sinong kausap mo???" tanong ni Lexin na sumunod kay Ysa.

Nilingon naman ito ni Ysa, galit na galit itong tumayo at lumapit sA kanya.

"Anong ginagawa mo Dito? Sinusundan mo ba ako?" sita nito sa lalaki.

Pero imbes na sumagot ay tumingin ito sa tinayuang bench ni ysa. "ganyan ka ba talagang kawirdo at kinakausap mo pati sarili mo!" seryosong sabi ni Lexin.

"Anong kinakausap ko yung sarili ko! Bulag ka ba? Nakita mo ng may kausap akong..." hindi na naituloy ni Ysa ang sasabihin ng makitang wala na ang babae na kanina lang eh kinakausap.

Nakakunot ang ulo ni Lexin at saka umiling at ngumisi ng nakakaloko.

Nang makita ni Ysa yun ay naningkit na ang mata nya at binulyawan si Lexin. "Pumunta ka ba dito para lang bwisitin ako! Hoy Mister akala mo kung sino kang gwapo! Pwede ba tantanan nyo ako ng kaibigan mo!! Wag na wag ka na lalapit sa akin kahit kailan!" galit na galit na sabi nya at saka ito iniwanan.

Campus Queen Compilation (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang