Chapter 1

37.7K 432 101
                                    

Chapter 1

 

Unang araw ni Ysa sa school na yon, medyo kinakabahan sya dahil bukod sa late na sya nagenroll at tiyak mahihirapan sya magadjust, kinakabahan din sya dahil ibang iba ito sa lugar na kinalakihan nya.

"LOZADA-AQUINO COLLEGE"basa ni Ysa sa entrance ng school.

Kabadong kabado sya, pakiramdam nya ay pinagtitinginan sya ng mga estudyante doon, hindi nya malaman kung paanong lakad ang gagawin. Yukong yuko ang dalaga, anhin na lang siguro nya ay magtago sa ilalim ng lupa.

At dahil nakayuko sya, hindi na nya napansin na may makakasalubong syang grupo ng mga kababaihan, huli ng ang pag-angat nya ng mukha dahil nakabunggo na nya ito.

"What a...!"gulat na asar ng babae na si Bea, at saka tiningnan ng masama si Ysa. 

"So-sorry, hi-hindi ko sinasadya," nagkandautal na dispensa ni Ysa.

"Sorry! tatanga tanga ka kasi, hindi mo tinitingnan ang dinadaanan mo!"sigaw nito.

Nagpanting ang tenga ni Ysa sa narinig, hindi sya palaaway na tao pero hindi rin sya ang tipong magpapaapi kung kani-kanino lang.

"Nagsorry na nga ako diba?! Sabi ko nga Sorry, at hindi ko sinasadya, ano pang kinakagalit ba diyan? Napilay ba kita?"matapang na sabi nito.

"Ahhhhhhhh! patay tayo diyan! Mukhang nakakuha ka ng katapat mo Bea!" kantyaw ng mga lalaking nasa di kalayuan at nakikinig.

"Abat!.." galit na sabi ni Bea at susugurin na sana si Ysa.

"Thats enough Beatrice!" pigil ng pinakaleader ng grupo nila, si Corine. 

"But Corine..." reklamo ni Bea.

" I said, its enough!" mataray na sabi nito at saka tumingin kay Ysa.

"are you a new student?" tanong nito at saka tinitigan si Ysa mula ulo hanggang paa.

"Oo.."maikling sagot ni Ysa na hindi na komprtable na pinagtitinginan sya.

"Kaya.." sarcastic na sabi ni Corine, at saka binalingan naman si Bea.

"first offense.." makahugang sabi nito sa kaibigan at saka kinindatan.

Nangiti naman si Bea, nakuha nito ang ibig sabihin ng kaibigan at saka tumingin kay Ysa.

"Next time.. " maarteng sabi nito kay Ysa at sabay irap.

"Lets go girls.." aya ni Corine sa dalawang kasama.

Hindi naman sila pinansin si Ysa, nagkibit balikat na pinagpatuloy nito ang paghahanap. 

Sa gilid ng kanyang mata ay pansin nya na may lalaking nakangiti sa kanya na tila ba aliw na aliw sa ginawa nya. Inirapan nya lang iyon at saka sya nagpatuloy sa paglalakad.

Campus Queen Compilation (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon