Hit 23~The Vacation

7.2K 68 18
                                    

Kotse, handa na!

Mga bagahe, handa na rin.

Handa na si Mia kasama Yuki at Yano para sa kanilang out of town.

Isa na lang talaga ang kulang, si Trojan.

"Ilang oras pa ba tayo balak paghihintayin ng Trojan na 'yon?" galit na tanong ni Yano. Halos umusok na ito dahil mahigit isang oras na silang naghihintay.

"Lady Yuki, eto po..."

Isang matandang babae ang nag-abot kay Yuki ng basket. Nakita ni Mia na mga oranges ang laman noon.

"Salamat," mabilis na sagot ni Yuki.

Ngumiti ang matandang katulong. Ganoon din naman ang tatlong butler at dalawang maid na nasa likod niya.

"Hindi na ko makakapaghintay! Umalis na tayo!" suhesyon ni Yano. Papasok na siya sa kotse nang mamataan ang kapatid.

"Ayan na si Trojan!" nakangiting sabi ni Mia. Bigla lang siyang napakunot ng noo nang makita ang porma nito.Nakapang hiphop. Hawak rin nito ang tali ng alaga nilang aso.

"Hoy! Huwag mo ngang dagdagan ang init ng ulo ko! Talaga bang balak mong isama ang aso 'yan?" naiinis na sabi ni Yano.

Ngumiti si Trojan. "Pagbigyan mo na ko. Na-miss ko kasi talaga itong si Azul kaya gusto ko siyang makasama sa bakasyon. Gusto niya rin sumama. Hindi ba Azul?" Tiningnan niya ito.

Malutong na tahol ang sagot nito.

Kasabay ng tahol na iyon ay ang biglang pagtakbuhan at pagtatago ng mga katulong na siyang ipinagtaka ni Mia.

"Huwag ka nang magulat. Takot talaga sila kay Azul," sabi ni Yuki.

"Bakit po?"

"Dahil for the past two years limampung tao na ang napatay niya," bunyag ni Yuki.

"Ano!" Gulat na gulat si Mia. Paano nangyari na nagawang pumatay ng isang aso?

"Ganoon talaga si Azul. Mabangis! Kaya nga lagi siyang nakakulong. Sa aming mga Yamato at Matsumoto lang siya maamo," paliwanag ni Yuki.

Biglang napaatras si Mia at dali daling nagtago sa likod ng kotse.

"Mia, hindi mo kailangang magtago," sabi ni Trojan.

"Hindi ka sasaktan ni Azul dahil sinabi ko sa kanya na dinadala mo ang anak ni Yano," dagdag nito.

Sandaling sumilip si Mia. "Totoo ba ang sinasabi mo?"

"Siyempre naman!" sagot ni Trojan. "Halika, subukan natin."

Nagdududa si Mia kaya hindi pa rin siya lumalapit.

"Ayaw mong maniwala? O sige lalapit kami sayo."

Lalapit na si Trojan nang biglang sumigaw si Yano.

"Itigil mo nga iyang kalokohan mo!"

Napanguso si Trojan. "Bakit nakasigaw ka na naman diyan?"

Hindi siya sinagot ni Yano, sa halip ay inagaw nito ang tali ni Azul.

"Hoy teka! Anong gagawin mo?" angal ni Trojan.

Dire-diretso lang si Yano. Ibinalik niya sa cage ang alagang aso. Naiwan tuloy luhaan si Trojan.

"Puwede ba Trojan, tama na iyang drama mo. Umalis na tayo na!" sabi ni Yuki bago ito pumasok sa loob ng kotse. Siya ang mag da-drive kaya doon siya sa unahan. Pumasok na rin si Mia. Sumunod na sa kanya si Trojan. Magkatabi sila sa passenger seat.

Kizuna: The Bond Between usWhere stories live. Discover now