II-Classmate

1.5K 29 8
                                    

Hi Gwyneth,

Kumusta?

Nakakatuwa yung reaksyon mo nung makita mo ako sa Philo. 1 kanina. Gulat na gulat ka. Hindi mo siguro ineexpect na makikita mo ako ulit.

Actually sinadya ko talaga na magpatransfer sa klase mo. Nakita ko kasi yung class schedule mo at pareho tayong may Philo. 1. Kaya nagpalipat agad ako. Gusto kasi kitang maging kaklase kahit sa isang subject lang.

Nagtaka nga si Paul nung sinabi kong magiging Irregular student ako. Bestfriend ko pala si Paul. Kaklase ko din siya. Hayaan mo one of this day ipapakilala kita sa kanya. Mabait yun medyo suplado lang. Basta huwag kang magkakacrush sa kanya ah. Magseselos kasi ako. Hehe! Ang feeling ko no?

-A.S.

+++

I don't believe in love at first sight. But I know, the moment that I saw her that she's the one for me. I know that this is something magical. Pero paano nga ba niya ako mapapansin? Ni hindi ko nga masabi man lang sa kanya na crush ko siya. Hindi naman ako torpe pero hindi rin naman ako maangas. Higit sa lahat, hindi rin naman ako playboy.

Hindi naman siguro counted sa pagiging playboy na ako ang nilalapitan ng mga babae diba?

PAUL : Alam mo tol, gutom lang iyan. Tara na sa canteen. Libre mo ako.

AKO : Bakit kita ililibre?

PAUL : Natalo ka sa laro natin kahapon sa basketball kaya ilibre mo ako.

Wala na din akong nagawa kundi ang sumunod kay Paul. Hindi nagkatotoo ang sinabi ko na pakakainin ko siya ng bola. Ako ang napakain niya ng alikabok. Lokong Paul iyan ang galing maglaro. Hindi man lang nagpatalo.

+++

Habang naglalakad papuntang canteen ay nginingitian kami ng mga babaeng nakakasalubong namin. Hindi ko sila masisisi. Sa gwapo at tangkad ba naman namin sinong hindi mapapatingin?

Oh ano, tinatangay ka na ba ng buhawi sa lakas ng hangin?

Pagdating namin sa canteen ay may tumawag na babae kay Paul kaya nilapitan namin yung mesa niya.

Nagulat ako nang makilala ko ang isa sa kasama nung babae.

Si Gwyneth!

Destiny!

Pati sa canteen pinagtatagpo kami ng tadhana!

PAUL : Bakit?

Tanong ni Paul dun sa babaeng maiksi ang buhok nung makalapit kami. Magkakilala pala sila ni Paul!

Destiny ulit! Yung kaibigan ko at yung kaibigan ni Gwyneth magkaibigan pala!

BABAE : Anong oras ka uuwi?

PAUL : Bakit?

BABAE : Sasabay ako. Hatid mo ako pauwi. Wala akong driver ngayon.

Napatingin naman ako kay Paul at dun sa babae. Magkaano ano kaya sila at ganun nalang kung makapagdemand yung babae kay Paul?

Palihim kong binulungan si Paul.

AKO : Girlfriend mo?

PAUL : Hindi ah!

Grabe ang pagtanggi ni Paul ah. Parang sukang suka siya sa tanong ko. Mukhang pareho kami ng naisip nung babae.

BABAE : Wow ah! Makatanggi parang sukang suka lang? Diring diri na mapagkamalan akong girlfriend mo?!!

Ayan! Nakatikim tuloy si Paul ng pagsusungit. Kasi naman eh. Dapat ang mga girls, tinatrato ng tama. Dapat nilalambing! Hindi inaaway.

PAUL : Anong masama sa sinabi ko? Hindi naman talaga kita girlfriend.

BABAE : Oo na! Hindi mo kailangang ipagdiinan. Grabe siya! Akala mo kung sinong gwapo!

Hindi ko nalang pinansin yung asaran nung dalawa. Tinabihan ko si Gwyneth sa mesa.

AKO : Hi Gwyneth!

GWYNETH : Hello classmate!

Napatingin sakin yung dalawang babaeng kasama ni Gwyneth.

GWYNETH : Classmate mga best friends ko nga pala. Sina Maica at Hara. Girls, si Axel, classmate ko sa Philo.1.

Maica pala ang pangalan nung babaeng kaibigan ni Paul. At yung babaeng nakasimangot si Hara. Ano kayang problema nun? Bakit lagi nalang siyang nakasimangot? Dala niya ba lahat ng problema sa mundo?

AKO : Hello. Nice to meet you. Axel Sebastian at your service.

PAUL : Tapos ka na ba makipagkwentuhan? Nagugutom na ako.

Grabe talaga itong si Paul!

Nagpaalam na ako kay Gwyneth at sa mga kaibigan niya.

Bago kami pumunta sa may counter para umorder ng pagkain ay napansin ko pang nginitian ni Paul yung babaeng nakasimangot. Tapos gumanti din naman ng ngiti yung babaeng simangutera!

Ang weird din nitong si Paul.

Hay naku! Bahala nga siya sa buhay niya! Gutom na din ako.

***

A/N:

Bwisit na traffic iyan malelate na naman ako sa office!

-shinayawaara

Walang Forever!Where stories live. Discover now