# 64 Bibidi Babidi Boo

1.4K 37 24
                                    

DEAR DIARY;

Bakit nga ba sunod sunod ang mga nakakashock na balitang natatanggap ko? First was Axel's cheating on me accident. Second was knowing that I am carrying the child of the guy who cheated on me. Ano pa ba? May malalaman pa ba ako na nakakashock na balita? Sana naman tama na. Kotang kota na ako eh! Baka hindi ko na kayanin pa!

Thankful na lang ako kay Panda dahil hindi niya ako iniwanan.

PANDA : Diyosa, sure ka bang iwan na kita? Baka hindi mo pa kaya.

AKO : Panda, buntis lang ako at hindi imbalido. Kaya sige na. Umalis ka na.

PANDA : Medyo malapit lang dito ang hotel na tinutuluyan ko. If you need something just call me okay?

AKO : Okay lang ako. Sobra sobra na nga ang tulong mo sakin.

PANDA : What are friends are for? Hindi mo rin naman ako iniwan nung kailangan ko ng kasama.

AKO : Thank you ah. Swerte talaga ng magiging girlfriend mo.

PANDA : Oo naman. Ako pa! So, ano nang plano mo ngayon?

AKO : Hindi ko alam sa totoo lang.

PANDA : Can I just give you an advise?

AKO : Ano yun?

PANDA : I know na nagkaproblema kayo ng exboyfriend mo but he is still the father of your child. So I guess it's better na ipaalam mo sa kanya ang sitwasyon mo. Just be ready to accept kung anuman ang maging result.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Panda. Tama naman siya. Dapat kong ipaalam kay Axel na magkakababy kami.

Pero magkakababy din si Axel sa ibang babae!

AKO : Bahala na Panda.

Biglang ginulo ni Panda ang buhok ko.

PANDA : Basta whatever your decision will be, I'm just here for you. Kapag hindi niya pinanagutan ang baby mo, I will be the one to claim for that child.

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi ni Panda o jinojoke niya lang ako.

AKO : Oo na. Umalis ka na. Magpapahinga na ako.

PANDA : Okay. Just call me if you need anything.

Pagbukas namin ng pinto ay nagulat na lang kami ni Panda dahil nasa labas ng pinto si Axel. Halatang nagulat din siya pagkakita kay Panda. Si Axel ang unang nakabawi at bago pa kami makabwelo ay nasapak na ni Axel si Panda. Bagsak si Panda sa sahig. Mukhang nakainom si Axel at wala pang ligo. Mukha siyang wasted na wasted!

AKO : Oh my God Axel! Ano ba?!!

AXEL : Heto bang lalaking ito ang ipinalit mo sakin Gwen? Ito ba ang dahilan kaya ayaw mo akong kausapin? Ito ba ang dahilan kaya ka nakipaghiwalay sakin?! Ito ba Gwen ha?! Ito ba?!!! Sumagot ka!

PANDA : Huwag mong sigawan si Gwen, Pare. Hindi totoo ang iniisip mo.

Mukhang nakabawi na si Panda at tinangkang kausapin ng maayos si Axel subalit itinulak lang ito ni Axel. But this time nakahanda na si Panda kaya hindi siya bumagsak ulit sa sahig.

AXEL : Huwag mo akong matawag tawag na Pare! Hindi tayo magkumpare!!!! Tarantado ka din 'no!

AKO : Axel tama na! Alam mo kung ano ang dahilan kaya ako nakipaghiwalay sayo! Huwag mong idamay si TOP dahil wala siyang kinalaman dito.

AXEL : So iyang lalaking iyan talaga ang kinakampihan mo?!! Gaano ka ba kalandi Gwen at hindi ka pa nakuntento sakin?! Bakit?! Mas magaling ba siya sa kama kaysa sakin?! Sabihin mo!

Syet! Ang sakit sakit na ng mga naririnig ko! Gusto ko ng umiyak.

PANDA : Gwen, pumasok ka na sa loob. Ako na ang bahala dito.

AKO : Huh?!!! Ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka!

PANDA : Pare, saka na kayo mag-usap ni Gwen kapag hindi ka na nakainom. Umalis ka na muna. Magpapahinga na si Gwen.

AKO : Sinabing hindi tayo magkumpare ang kulit mo din 'no! At sino ka para utusan ako ah!

PANDA : Hindi kita inuutusan. I'm just saying that Gwen needs to rest and please lang huwag mo na siyang istressin pa.

Pinigilan ko na si Panda dahil baka kung ano pa ang masabi niya kay Axel. Hinarap ko na si Axel.

AKO : Axel please lang. Umalis ka na. At ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo. Oo! Niloko kita! Boyfriend ko si TOP! Mas magaling siya sa kama kaysa sayo! Ayan! Masaya ka na?! Kaya pwede ba layuan mo na kami?! Pakasalan mo na ang babaeng nabuntisan mo!

AXEL : Syet Gwen! Hindi ko nga nabuntisan si Amy! Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?! Ang sabihin mo ginawa mo lang excuse iyon para hiwalayan ako dahil may iba kang lalaki!

AKO : Oo! May iba akong lalaki! Kaya nga nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko na may nabuntisan kang babae! Pwede na kitang hiwalayan. Kaya umalis ka na! Hindi na kita mahal!

Pagkasabi ko noon ay hinila ko papasok ng bahay si Panda at isinara ko ang pinto. Kahit anong sigaw at katok ni Axel ay hindi ko siya pinagbubuksan. Iyak lang ako ng iyak. Niyakap lang ako ni Panda.

PANDA : Hush now Gwen. Masama sa baby mo iyan. Tama na.

AKO : Ang sakit sakit TOP.  Ang sakit sakit!

PANDA : I know Gwen. I know. I'm just here. Hindi kita iiwan.

Paksyet ka Axel! Ang sama sama mo!

***

A/N:

Out of the topic.

Naguguluhan ako. Ang gulo gulo ng isip ko! The worst part??? Wala akong masabihan ng problema ko!

-shinayawaara

Walang Forever!Where stories live. Discover now