One Sided Love

1.8K 23 10
                                    

One Sided Love

All Right Reserved © 2012 | J. De Jesus (GirlFromYourDreams) | Original One Shot

Started: May 4, 2012

Finished: May 18, 2012

---

He’s the one I want.

From the very first time I laid my eyes on him. I swear to God that he is the one I want to be with.

For the rest of my life.

But the thing is, someone’s already captured his heart.

Would still there be a chance for my..

One Sided Love?

---

“Aray! Elle naman eh, ano bang problema mo?” bigla-bigla na lang nambabatok ang isang 'to.

“Ikaw ang problema Gela, hindi ko alam bakit pinoproblema kita eh.”

“Kasi kaibigan mo ko?” Sagot tanong ko sa kanya. We’ve been best friends since 1st year college, since then she knows already about my craziness on this particular one guy. And hanggang ngayon na graduating na kami ay iisang lalaki pa rin ang gusto at gusto ko.

“Hindi, kasi naririndi na ako sa mga sentiments mo kapag nakikita mo sila ni Jesh na magkasama pero hindi mo pa rin makuhang kalimutan ‘yang nararamdaman mo.”

“Because I know, na kami pa din forever. I just don’t want to throw all my hopes and dreams, tsaka ayoko lang na itapon basta-basta yung matagal kong tinago na feelings. And tanging si Lord lang ang nakakaalam kung sino talaga ang nasa puso ko.”

“Ah ewan ko sa’yo. Tsaka tigil-tigilan mo na ang sobrang pakikipaglapit dun kay Patrick, kahit kaibigan pa natin siya. May girlfriend yung tao and ilang years na din sila. Tsaka di ba nasaktan ka na din niya? Bakit di mo pa din siya magawang kalimutan?”

Simpleng sagot sa simpleng tanong. “Kasi mahal ko siya.”

---

Nandito kami ni Elle sa may classroom. Nakatambay. Mas gusto kasi naming magstay sa classroom kesa umalis-alis pa. Ilang minutes lang naman ang binigay na time para makapag-break kami. Katabi nga pala namin si Patrick sa upuan at mukhang may problema sila ni Jesh. Simpleng kilig lang ang lola niyo. Ewan ko nga kung alam niya na gusto ko siya eh, pero mas mabuting ‘wag na lang malaman.

Sa totoo lang kami talagang tatlo ang magkakaibigan. Ako, si Elle at si Pat. Parati kasi kaming magkakatabi sa upuan pero sa akin madalas na magsabi si Pat ng problema niya and parati din kami magkatext. Iwas kasi si Elle sa ganun, ayaw niya mahulog. Kasi dati na din siyang nahulog sa isang lalaki na Lemuel ang pangalan. But that guy just takes her as an option. Ewan ba sa lalaki na yun. Maganda naman si Elle. Kaya ngayon takot na si Elle makipagclose at makipagkaibigan sa mga lalaki kasi she falls so easily, that’s why she always puts wall between her and a guy.

Bakit ba si Elle ang kinekwento ko, hindi naman niya story to. Eh kanino nga bang story to?

“Gela, can I talk to you?” narinig kong tanong ni Patrick. Nakasalpak kasi ang right ear bud sa akin at sa kaliwang tenga naman ni Elle ang isa, nakikinig kami sa music na dalawa.

Naring niya din siguro ang tanong ni Pat kaya napalingon din siya.

“Go on Gela, mukhang kailangan ni Patrick ng kausap. Akin na muna ang earphone at ako ang mag-eemo mag-isa.”

Medyo lumayo kami ni Pat kay Elle at mukhang masinsinang usapan na naman ‘to.

“Gela, nagaway na naman kami ni Jesh.” Malungkot na simula niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon