37: I miss my hyungs

7.5K 196 14
                                    

Belly's POV

Nagising ako hindi dahil sa sinag ng araw o kaya sa pag gising ng alarm clock ko sakin kundi dahil sa PAGKUYOG NI LEO SAKIN.

"Hmmm...Leo, antok pa si noona."binaon ko ulit yung mukha ko sa unan.

"Yah noona. Labas naman tayo. Di na tayo pumupunta ng park"niyugyug niya ulit yung katawan ko. 

Aish! Ang aga aga naman nitong mang gising.

Tiningnan ko yung orasan sa side table ko.

Time Check: 11:15 AM

"Eh? Ba't di nag ring yung alarm clock ko?"tanong ko sa sarili ko pero sinagot naman ako ni Leo.

"Ate, kanina pa yan nag alarm. Nagising nga ako sa ingay eh"

"Ba't di mo ako ginising?!"pambihira naman oh!

"Ate, kung yung alarm clock nga na katabi mo lang, di ka nagising, pano pa kaya ako na ang liit liit ng boses ko?"aba't sumasagot sagot pa tong isang to ah.

*knock knock...

"Ms. Alayna, Sir Leo, hinahanap napo kayo ng tito niyo sa baba"-Carl.

Ay oo nga! Lunch na! Papasok pa kaya ako? WAG NA! TINATAMAD AKO! Hahaha!

/Dining room/

"Leo, tumawag yung school mo. Napaaway ka daw kahapon."pag basag ni tito sa katahimikan habang kumakain kami.

Si Leo?! Napaaway?! Whuuuut?! O_O

Tiningnan ko siya pero nakatingin lang siya sa pagkain niya.

"Kaya pala di ka rin pumasok ngayon ah"sabi ko sakanya.

"Eh kasi ate..Inaaway nila si Lauren! Kinuha nila yung bracelet na binigay ko sakanya tapos sabi nila sakanila na daw, ate kinuha ko lang!"naluluha na siya habang nag eexplain.

Hay nako. Tong batang to talaga.

"Belle, I heard you won on your interschool competition, again"nanalo ako...ulit. Palagi naman. Well ganyan talaga pag pinagpala. Chos! Hahaha!

Tumango lang ako at ngumiti.

"How's exo?"O___O

Tito, kayo magkakasama sa isang building araw araw at ikaw ang may hawak sakanila tapos itatanong mo sakin yan?! Lokohan ba to?!

Change of ideal type [Starring EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon