16: Practice with shinee and jaejoong

11K 235 34
                                    

Belle's POV

"Girl, ano namang tingin mo dito?"tanong sakin ni kurt habang pinapakita yung designs niya.

"Maganda"

"Wow teh. Ang galing ko naman yata masyado. Di mo pa nga tinitingnan maganda na agad"tapos binatukan niya ako.

"Aray!"sigaw ko habang hinihipo yung ulo ko.

"Tingnan mo naman kase to! Grabe effort ko dito tapos di mo lang titingnan! Ano ba kase yan?!"

Nasa garden kami ngayon at parehong busy sa papel na hawak namin. Nagcutting kami. Tinatamad kaming pumasok eh. Hahaha!

"Ito yung schedule ng exo at shinee para sa--"

"EXO?! SHINEE?!"paulit ulit teh?

"Nakaunli ka noh?"

"Ba't nasayo schedule nila?! Patingin nga!"sabay agaw nung papel na hawak ko.

"Hoy hoy hoy! Akin na yan! Bawal yan sayo! Baka ipagkalat mo pa yang mga nababasa mo!"eh kasi baka ichismis niya kung anong oras nasa ganitong place ang exo, kung anong oras kakain ang exo, kung anong oras matutulog at kung saan matutulog.

"Uy di naman ako ganun! Loka! Oh tingnan mo nga tong design ko! Project ko yan. Ano sa tingin mo? Ayusin mong sasabihin mo teh at makaklbo kita pag nagkamali ka ng sasabihin."sabi niya at lumaki pa yung mata niya.

Kinuha ko yung design niya at tiningnan yun.

"Maganda kaso kulang yung lace. Paabutin mo na sa sleeves"

"Yey! Thanks sis!"

*kriiiiing!*

"Shoot! Time na!"pagmamadali ko at inayos ayos ko na yung mga gamit ko.

"Oh? Ano naman? Ngayon ka lang nakaexperience ng uwian teh?"binigyan ko siya ng special batok.

"Loka! Kailangan ko ng pumunta ng SM kasi hinahanap na ko dun!"Pagkasabi ko nun at tumayo siya bigla.

"Sama naman ako! Para makakuha na ko ng boyfriend!"at dahil dun another batok on the way!

"Gaga! Magtatrabaho ako dun di makikipaglandian! Jan ka na nga!" then tumakbo na ako paalis dun. Baka ma-late na ko noh saka baka masundan pa ko nung beki na yon.

/SM building/

Hirap na hirap ako sa mga dala ko at haggard na haggard na itsura ko ng makapasok ang ng practice room. Nahulog na yung mga dala ko sa sobrang pagod.

Change of ideal type [Starring EXO]Where stories live. Discover now