MEMORY 6

1.4K 45 4
                                    

[Nicole]

*Flower Garden

“HANGGANG KAILAN mo gagawin ‘to?”

Natigil si Aldrei sa paglalagay sa flower vase ng mga bulaklak na kinuha nito mula sa flower garden ni Nicole. Nilingon siya nito at sumagot ng isa ring tanong. “Ikaw, hanggang kalian mo siya pagtataguan?”

That struck her. Mahirap tanggapin ang katotohanang kailangan niyang pagtaguan ang nakatatandang kapatid. Just because she was hoping he could heal Andrea. She thought at once that she was having a false hope... But she was risking the hope. She would risk anything just for her ‘Ate.’

“Hangga’t hindi mo siya napapagaling," maagap niyang sagot. Ang totoo, hindi niya maintindihan ang sarili sa pagtitiwala sa pangako nitong mapapagaling ang nakatatandang kapatid. Hindi pa rin niya makuha ang ginagawa nito pero kataka-takang todo-suporta naman siya rito.

“Gagaling siya." 

Buong-buo sa loob ang pagkakasabi ng binata. Sa katunayan, naging dahilan pa iyon upang panindigan si Nicole ng mga balahibo. Hindi niya alam kung dahil sa conviction nito o dahil sa intensidad ng mga salitang iyon. Umakma siyang yayakap sa sarili pero hindi niya iyon itinuloy. Tiyak na magtatanong ito kung bakit.

“Ilang minuto na lang?”

Tiningnan niya ito. Bumalik na pala ang binata sa ginagawa nang hindi niya namamalayan. “Ten minutes.”

He heaved a sigh. Smiled and bade good-bye, “Gonna make my love remember her soul mate.” And with that, he quickly picked the flower vase and stormed to the house.

Aldrei

NAKATAYO siyasa tapat ng kuwarto niy Andrea. Ilang sandali na lang at lalabas na ito.

Ilang araw na ba niyang paulit-ulit na nakikita ang gulat na mukha ng dalaga at ang mga pagtataka nito? Dalawa? Tatlo? Lima? Hindi na niya maalala. But certainly, those were only a few moments. Few moments but those moments were forever. Hindi niya tiyak kung may nangyayari ba sa mga ginagawa ngunit naniniwala siyang darating din ang araw na magagawa ng puso nitong maalala ang pagmamahal niya rito.

Umadya ng pagbukas ang pinto makalipas ang ilang minuto. Humugot siya ng malalim na hininga upang ihanda ang sarili. Humigpit ang pagkakahawak niya sa flower vase. Pagkatapos ay ipininta ang pinakamatamis na ngiting kayang igawad ng kanyang mga labi. Kasabay ng mga iyon ang mabilis na pagdagundong ng kanyang puso.

Tuluyang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Andrea. Muli siyang humigit ng hininga upang salubungin ang galit at pagtataka nito.

Then his smile faded. Walang galit na nangyari. Walang ingay. Wala kundi isang pares ng mga matang nangingilala. Hindi galit kundi isang ngiting may kakayahang magpakalma ng mga ngiping nagngangalit.

Parang sa kanya nalipat ang lahat ng pagtatakang dapat ay naramdaman ni Andrea.

“H-hindi kita kilala, hindi kita matandaan,” nanginginig ang boses na saad nito, “Pero ikaw pa lang nakapagpatibok sa puso ko nang ganito.”

Hindi niya malaman ang gagawin. Tatalon ba siya sa tuwa? Hihiyaw? O iiyak? Halo-halo. Sa dami ng mga iniisip ng binata, huli na nang matuklasang lumuluha na pala siya.

Nagpakawala ng impit ng bungisngis si Andrea nang makita reaksyon niya.

It warmed his heart somehow. Para siyang nasa mundo ng panaginip. Isang mundong sila lang ni Andrea ang naninirahan. Mundong sila ang lumikha.Mundong paulit-ulit na mabubuo sa bawat pagpapalit ng oras.

She later motioned her hands to cup his face. “Aldrei,” she said his name with a smile.

Aldrei. He had never appreciated his name before. Pero pakiramdam niya nang mga oras na iyon, wala nang mas gaganda pa sa pangalan niya.

“Ikaw ang boyfriend ko,” she cooed after a few moment.

Ikaw ang boyfriend ko. The words echoed in his mind. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. He sweated. He couldn’t utter a word for his voice seemed to have left his throat because of being overwhelmed —he felt like fainting. At dumami nang dumami ang kanyang malalim na pagbuntong-hininga.

Sa wakas, dininig ng Diyos ang mga panalangin niya. 

Sixty-Minute Memories of First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon