MEMORY 5

2.5K 49 3
                                    

[Andrea]

NAKATITIG si Andrea sa wall clock na nasa taas ng pintuan ng kuwarto niya. Itinatanong niya sa sarili kung saan ito nanggaling o kung kailan ito napunta roon ngunit hindi niya maikakailang maganda ang musikang nililikha nito. Para siyang nadadala sa mga alaala ng nakaraan.

Bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi, tanda ng kanyang pag-ngiti. At bago niya pa makalimutang gawin, nagbuga siya ng hangin, umahon mula sa kama at naglakad patungo sa seradura ng pintuan. Nais niyang puntahan si Nicole upang sabihin dito ang mga tanong sa isipan.

One side of Andrea urged her to be panicky, to scream like the world should be ending right that moment because she had tons of questions in mind but not an ounce of answer would enter her cup of brain. But the other side of her whispered that she should hush herself and not let her emotion burst.

Tumigil na ang tugtuging nagmumula sa wall clock, nasa tapat na rin siya ng pintuan at dahan-dahan nang binubuksan ang pinto hanggang sa...

"Hello, Sweetest."

Napaatras siya sa gulat. Isang di-kilalang nakangiting lalaki ang bumati sa kanya. A six-footer or so hottie. She was five feet six inches and yet this male tower was still taller that she was.

She gasped for breath. Sino ang lalaking ito? Bakit bigla yatang bumilis ang tibok ng puso niya? What's with him?

Sino ka?Ang sabi ng utak niya'y kailangan na niya iyong itanong ngunit nakikipag-away naman ang kanyang dila, at di pa man nagsisimula ang laban ay umuurong na ito.

Ang sabi ng kamay niya, suntukin na niya ito. Hindi ba't walang lalaki ang mangahas na lumapit sa kanya dahil napapatulog ng mga kamao niya? Pero bakit ngayon parang ayaw ng sistema niya sa isiping suntukin ang lalaki? At bakit parang ibinubulong ng reflexes niya na "He's the one?"

Sa kawalan ng masabi, nanatili siyang nakatitig dito. Para nga siyang estatwa dahil hindi makagalaw. Where must be her brain neurons to command her joints to move?

She subconsciously dropped her jaw when she noticed the imprints on the white shirt he was wearing. And her jaw dropped wider when she read the imprints.

Aldrei Austria is now officially courting Andrea Villareal

"A-aaa," she wanted to ask what the imprints were for but her tongue remained hiding.

Kailan sila nagkakilala? Kailan siya nito nagustuhan? What were her characteristics that made him like her?

At paanong nakalusot sa matatalas na mata ni Nicole ang lalaking ito?

Hindi kaya kasabwat lang ito ng kapatid niya? And wait, ito ba ang kinuhang escort ni Nicole para sa kanya? Eh teka, bakit hindi naka-tuxedo o Amerikana ang lalaki? Pakiramdam ni Andrea sasabog na ang utak niya sa dami ng mga tanong na naglalaro sa utak niya. Gayunpaman, namamangha siya sa lakas ng loob ng lalaking ito na ligawan siya. Isa pa, ito ang unang beses na harapang inihayag ng isang lalaki ang panliligaw sa kanya. Hindi man verbally, at least may nabasa siya.

"A-anong ginagawa mo?!" nanggigilalas na bulalas niya nnag makitang naghuhubad ito ng pang-itaas na damit. Somebody was strip-teasing in front of her!  "Itigil mo 'yan kung hindi susuntukin kita!" Hindi siya nagbibiro. Aba, kahit naman magaganda ang maiitim nitong mga mata at kissable ang may kakapalan nitong labi, hindi pa rin naman siya makapaglalaway...este... makapapayag na isang estranghero lang ang aapak sa reputasyon niya. No way highway!

Hindi ito nagpaawat, sa halip ay walang habas na pumasok ito ng kuwarto niya.

Naturalmente, sumunod siya rito.

Sixty-Minute Memories of First LoveWhere stories live. Discover now