CHAPTER 21 : SHE'S MY ENERGIZER

52.3K 993 16
                                    

Hindi ako magkanda-ugaga sa pag-aayos ng sarili dahil sabi ni be ay pupunta siya dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ako magkanda-ugaga sa pag-aayos ng sarili dahil sabi ni be ay pupunta siya dito. Oo! Be na ang tawag ko sakanya, nakasanayan ko na din. Honestly, ang sagwa at ang korni pakinggan ng bebe o be para sa akin pero dahil mukhang okay lang naman kay be na ganito ang tawag niya sa akin ay naging okay na din sa akin.

Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin at nag-aayos ng buhok nang biglang tumunog ang doorbell namin sa ibaba. Nataranta ako at daling bumaba ng hagdan para pagbuksan ang taong nag doorbell sa labas.

Nang nasa tapat na ako ng gate ay inayos ko pa ang suot kong pangbahay na damit, inamoy ang hininga at inayos ang nagkalat na buhok at nilagay sa likuran ng aking tenga. Di ko alam pero this past few days ay naging conscious na ako sa hitsura ko.

Binuksan ko na ang gate at bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Chase. "Hi." pagbati niya kasabay ng pagsilay ng isang matamis na ngiti sakanyang labi. Awtomatiko ding umunat ang aking mga labi at ngumiti pabalik sakanya.

Hindi ako makaget over sa napakaperpektong pagmumukha nitong boyfriend ko. Hanggang ngayon parang panaginip pa rin ang lahat. Siya? Nagkagusto sa akin? Actually noong una naririnig ko na ang pangalan niya pero di ko binibigyang pansin. Wala akong pakialam dahil para sa akin hindi ko na kailangang alamin kung sino pa siya. But unexpectedly biglang pinagtagpo ang landas namin. Sinadya ba o hindi? Walang nakakaalam.

"Hi! Pasok ka be." niluwagan ko ang siwang ng pinto at pinapasok siya sa loob. Sabay kaming naglakad papasok ng bahay at agad na nasalubong si mommy sa sala.

"Chase! Buti napadalaw ka ngayon." Lumapit siya kay Chase at niyakap ito. Matagal-tagal na rin kasi nung huling pumunta si be sa bahay.

Kumalas na si mommy sa pagkakayakap kay be at tumabi sa akin. "Nagbreakfast ka na ba hijo?"

"H-Hindi pa nga po tita eh kaya bumili ako ng pandesal sa may labasan para sana dito na po kumain. Kung okay lang sainyo?" Tanong niya tsaka siya nahihiyang napakamot sakanyang ulo. Ikinataka ko naman ito ng labis. Ang aga niya kasing tumawag kanina tapos ngayon pumunta pa siya dito at dito daw kakain. Namiss niya ba ako ng sobra? O assuming lang talaga ako?

"Bakit hindi pa be? May nangyari ba?" gusto ko sanang magbiro kaso di ko na tinuloy kasi nandito si mommy. Baka mangutya na naman eh.

"W-Wala...Wala naman be." aniya tsaka siya natahimik.

I know my issue sa family niya ngayon pero dahil sa wala akong alam hindi ko din alam kung anong sasabihin sakanya.

Si mommy na ang bumasag sa katahimikan na namamagitan sa aming tatlo at bumaling sa akin. "Baby, ayusin mo na lang muna yung mesa." magrereklamo pa sana ako kaso tinulak-tulak na ako ni mommy paalis kaya tumuloy na lang ako sa kusina.

Teka nga...May hindi ba ako alam na alam ni mommy?

May hindi ba ako alam na alam ni mommy?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon