CHAPTER 27: THE KISS

46.6K 899 11
                                    


Chapter 27: The Kiss


[PATRICIA]


Nauna akong bumaba ng kotse ni Cris and went directly to my room. Hindi ko naman napansin na nakasunod na pala si Krishna at pagpasok na pagpasok sa kwarto ay hinigit niya bigla ang braso ko at hinarap sakanya. 


"Patricia! Hindi maganda ang pinakita mo kanina, bakit gano'n ka kay Shane?!" nagulat ako sa biglaang panenermon ni Krishna sa akin kaya napatingin lang ako sa mukha niya.


Namamangha naman akong sumagot sakanya."I-I can't help it! Naiinis ako sakanya! I just hate her so much at nakakairita ang pagmumukha niya!" sigaw ko din sakanya pabalik tsaka kinabig paalis ang kamay niya sa braso ko at naupo sa kama para alisin ang stilleto na suot ko.


 
I thought she would stop but turns out, she's not done yet."Patricia, walang kaalam-alam si Shane tungkol sa past niyong dalawa! She has nothing to do with this! Sino ba ang sumira ng relationship niyo, diba ikaw?! Tapos ngayon your acting like a Psycho at pinapalabas na si Shane ang may kasalanan at nagagalit ka sakanya! Jesus Christ Patricia!"

 

"Why not? Inagaw niya si Chase, pumagitna siya! Ano bang nagustuhan sakanya ni Chase, hindi naman siya kagandahan, mukha pang tomboy!" maisip ko pa lang na isang katulad niya ang pinalit sa akin ni Chase, naiinsulto ako ng sobra! Like duh?! Hindi man lang ako macha-challenge sa babaeng iyon pag nagkataon! 


"Watch your mouth Patricia! Bad influence talaga 'yang mga friends mo sa States! You were so kind back before but after meeting those jerks naging ganyan ka na! Naging kagaya ka na rin nila. . .Walang modo!" dinuro-duro ako ni ate at pinanggigigilan. Mas lalo akong nainis sa inaasta niya! Parang gusto ko siyang sabunutan ngayon at patikumin iyang matabil niyang bibig. 

 

"People change sister, you can't blame me. And you know what, I'm thankful meeting them atleast I'm not the same typical, shy girl na palagi lang nasa sulok at nagpapa-api." puno ng pagtitimping mungkahi ko ulit.

 

"You've changed a lot at walang nagsabing nagustuhan namin ang pagbabagong iyan Patricia. Stop this sister, ikaw din ang magsisisi sa bandang huli dahil sa mga ginagawa mong ito." I stared at her for minutes trying to know what's really on her mind. 


Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang tumataliwas sa akin ngayon.


"I just can't stop, I want Chase back, kahit masaktan pa si Shane gagawin ko ang lahat maagaw lang siya sakanya. Binabalaan din kita sis, sa oras na makialam ka, sisirain ko din yang buhay mo. Kaya kung ako sayo, manahimik ka na lang at manood." 
 

Ayaw mo naman sigurong matikman ang hagupit ng inis ko Krishna. Yes you are my sister but when it comes to love, kadugo man kita o hindi wala akong pakialam. Once na nakialam ka, sisirain ko din 'yang buhay mo at lovelife mo.


Don't try me... 


[CHASE]


Naging mayos naman ang weekends ko kahit papano. Medyo tumagilid nga lang dahil sa kabadtripan ko kay Patricia pero nakalimutan ko na din naman 'yun dahil nakausap at nakasama ko pa rin si Shane kahapon. 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon