Chapter 04

5.6K 103 9
                                    

.Chapter 04.

...

“Nakalimutan mo kong bigyan ng goodbye kiss.” -Daniel.

 ...

“John, kumain ka na ng maayos,” sigaw ni Daniel habang pinipilit isubo kay John ang isang kutsaritang cereal. “Ayan...Sige lang. Teka, teka...wag mong ibuga! Loko ka!”

Iyon ang nadatnan ni Kathryn sa kusina. Ngumiti ang dalaga ng makitang masama na ang itsure ni Daniel. Pinagpag ng binata ang cereal na napunta sa mukha niya at sa buhok.

“Good morning! Anong ginagawa niyong dalawa?” bati niya sa mga ito.

Tiningnan ni Kathryn si Daniel at nakitang wala itong suot na pantaas.

“Binigbigyan ko siya ng breakfast at siya naman, binubuga sa akin pabalik,” pagrereklamo ni Daniel.

Lumingon ang binata kay Kathryn at napangiti. “Ang ganda mo ah. Saan ang lakad?”

Namula si Kathryn nung nakita niyang pinasadahan siya ni Daniel mula ulo hanggang paa.

Nanginginig niyang hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok. Sa tuwing titingnan talaga siya ni Daniel, nakakaramdam siya ng kakaibang init.

Pinaypayan niya ang sarili.

“G-Gagala kasama ng mga kaibigan,” sagot ni Kathryn.

“Ate!” sigaw ni John at nakuha nito ang atensyon niya.

Pumunta siya sa bata at hinalikan sa pisngi. Ngumiti naman si John at naisip niyang sobrang cute ng mga ngiti ng bata.

“Ate kain!” aya ni John sa kanya. Binigyan siya nito ng maamong mukha. Napalunok si Kathryn.

“Hindi pwede John. May lakad si Kath,” suway ni Daniel sa kapatid.

Tumingin si John kay Kathryn. Namumuo na ang mga luha sa mata nito. At dahil doon, bumigay na siya.

“Ayos lang Daniel. Dito muna ako,” sabi ni ni Kathryn at umupo sa isang bakanteng upuan. “Nasaan si Mama?”

“Tulog pa ata,” tugon ni Daniel. “Di ko pa siya nakikitang bumaba eh.”

Tumingin si Kathryn kay Daniel at ginamit niya ang lahat ng lakas niya para umuwas ng tingin dito.

“May problema ba?” tanong ng binata.

Gusto talagang saktan ng dalaga si Daniel. Ano nga bang problema pag merong sobrang gwapo sa harapan mo, tapos wala pang suot ng pantaas? Oo, wala ngang problema.

Bumuntong-hininga siya at umiling. Ngumiti lang ang binata at tumayo mula sa kinauupuan niya at pumunta na sa coffee maker.

Rent a Girl (KathNiel FF)Where stories live. Discover now