Chapter 02

7K 116 12
                                    

.Chapter 02.

...

“Hindi ako galit! Napopoot na ko!" -Kathryn.

 ...

“Ma! Wala akong alam sa mga bata!” pagmamaktol ni Kathryn habang nakatingin sa ina niya na umiinom ng kape. Kagabi lang nung inutusan siya ni Mina na alagaan ang tatlong taong gulang na si John. At hindi niya alam kung bakit pumayag siya.

“Eh di matuto ka. Para naman pag nagkaanak ka na, alam mo na mag-alaga ng bata,” tugon ni Mina sa anak.

Kinamot ni Kathryn ang ulo niya at tiningnan si John. Ngumiti ang bata at pilit siyang inaabot. Yumuko si Kathryn at lumapit sa mukha ni John.

“Ano iyon?” tanong niya dito.

Hinawakan ni John ang mukha ni Kathryn at sinabing, “A-teeee!”

Tumawa si Kathryn at tinapik ang ulo ni John. Pumalakpak si John at halatang natutuwa.

“Ma, bakit wala siyang suot na pantaas?” tanong ni Kathryn.

Ngumiti ang kanyang ina at tumugon, “Ayaw niyang magsuot eh. Naiinitan ata.”

“Ah, okey,” magsasalita pa sana si Kathryn ng biglang pinutol siya ng kanyang ina.

“Pupunta na ko sa kwarto ko at magpapalit na ko. Kita na lang tayo later!”

“Teka lang naman Ma!” sigaw ni Kathryn pero hindi na siya pinansin ng ina.

Bigla namang umiyak si John.

Pinuntahan ni Kathryn ang bata at kinarga ito.

“Wag ka ng umiyak. Pakiusap,” pang-aalo ni Kathryn sa bata. Pero hindi ito nakinig at nagpatuloy sa pag-iyak. At ang mga luha ng bata ay napunta sa paborito niyang t-shirt at nagkaroon ito ng mga konting patak.

“Shit,” sabi ni Kathryn.

Huminto naman si John sa kaiiyak at tiningnan si Kathryn.

“Shit,” ulit nito sa sinabi niya.

Nanlaki ang mga mata ni Kathryn. “Oh gosh! Wag mong ulitin yun. Bad word yun.”

Kumunot ang noo ni John. “Shit?”

Sinubukan ni Kathryn na wag tumawa. Inilapit niya si John sa kanya. Napaismid siya ng maamoy ang bata.

“Ang baho mo John! Kailangan mong maligo!” sabi ni Kathryn.

Rent a Girl (KathNiel FF)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora