Chapter 15: Only When It's Real

4.8K 132 4
                                    


"BAKIT NIYO AKO pinapakain ng buhangin?"

Kinagat ni Slance ang bibig niya at tinakpan ng kamay ang bunganga para hindi lumabas ang pinipigil niyang tawa sa komentong iyon ng kanyang ama sa chocolate cupcakes na gawa ni Bride. They were at the place where his father was in. Dahil ipinakilala ni Bride sa kanya ang mga magulang nito kagabi, he decided to introduce her to his father after their work. Papa was in a calm state at that moment. Pero ayon sa mga doctor ay may mga oras parin na nagiging agresibo ito.

"Tito, cupcake yan, cupcake!" pagko-correct ni Bride.

Hindi tumingin dito ang Papa niya. "Lasang buhangin," tanging wika nito na kumagat pa ulit ng cupcake.

Bumagsak ang balikat ni Bride. "Cupcake nga po iyan."

Ngumiti siya. "'Pa, ginawa iyan ni Bride para sa inyo. Magpasalamat ka."

Umangat ang ulo ng Papa niya sa kanya. He was shocked because he never saw him look at him. "Bride?"

"Opo, 'Pa. Si Bride po." He leaned closer to see if his father remembered anything. Lagi niya kasing kinuwento dito noon ang mga nangyayari sa kanila ni Bride sa skwelahan nila. Kanina ay ipinakilala niya si Bride dito pero mukhang hindi nito narinig ang mga sinabi niya.

"'Yung babae?" anitong sumilay ang ngiti sa mukha.

Tumango siya. This was the first sane response he had from his father. "Naaalala niyo po ba siya?"

Sumimangot ito. "Lasang buhangin," anito saka umiwas ng tingin.

Hindi niya napigilang mapangiti saka mapailing.

"Sir, tapos na po iyong visiting hours," ani ng isang nurse na lumapit sa kanila.

Bumuntong-hininga siya't tumango siya bago tumingin sa Papa niya. "'Pa, aalis na po kami ni Bride. Babalik nalang po kami ulit sa susunod na visiting schedule niyo, ha?"

Wala itong naging sagot sa tanong niya. Nagpaalam na sila ni Bride sa staff bago sila tuluyang umalis. Earlier, he heard a summary of his father's condition. He was diagnosed with psychotic depression before. Sabi ng psychiatrist nito ay sa sobrang lala ng sitwasyon ng Papa niya noon, it took them years to get through him. Pero pagkalaunan ay nag-respond din ito sa treatment. But now his father was battling with another disease, Alzheimer's. Kaya naman nagdesisyon ang pamilya nila na manatili nalang ito sa nursing home kung saan mabibigyan ito ng karapat-dapat na treatment at environment.

Noon, kapag nakikita niya ito ay umiinit ang ulo niya't bumabalik ang galit. But now, there was only the memory of anger and pain. And he knew it was because Bride was with him.

Nang dumating sila doon kanina ay akala niya, aatras si Bride dahil sa sitwasyon ng Papa niya pero malumanay nitong nilapitan ang papa niya. It was a very pleasant visit. Bride told stories to Papa even if he didn't respond to it. Kahit gan'on ay alam niyang may parte ng isipan ng Papa niya ang nakikinig.

"Lasang buhangin ba talaga iyong cupcakes ko?" nakalabing wika ni Bride sa kanya nang makasakay sila sa kotse. Hinintay nito ang sagot niya.

"I love you, baby. Very much," sagot niya bago pinatakbo ang sasakyan.

Umungol ito saka sumandal sa upuan. "I'm not going to get it perfectly."

"Bakit ba kasi pinipilit mong gawin iyan?"

"Kasi paborito mo iyon! Dapat alam ng girlfriend na iluto o i-bake ang gustong pagkain ng boyfriend niya. 'Di ba gan'on iyon?"

Kumibit-balikat lang siya na ikinatirik ng mga mata nito.

Run Away, Bride (as published by Lifebooks) - CompleteWhere stories live. Discover now