Chapter 3: F*ck you, Fate

6.5K 187 11
                                    


5 months later...

"I HATE PEOPLE. I want to be a bacterium and quit communicating with anything that possesses a brain and is capable of thinking and speaking," wika ni Bride nang sa hindi mabilang na pagkakataon ay nagpaplano nanaman ang dalawa sa triplets ng iba-blind date sa kanya. Kung hindi siya nagkakamali, victim number twenty seven na ito.

Five months after her heartbreaking confrontation with Slance, her heart wounds were still fresh. Mukhang hindi kayang i-disinfect ng limang buwan ang sampung taong pag asa niya dito. Muli niyang naramdaman ang pag-constrict ng valves at chambers ng puso niya. Nasasaktan siya hindi dahil sa hindi na siya nito mahal. Nasasaktan siya dahil mahal na mahal siya nito noon. At hindi siya makapaniwala na tinakbuhan niya iyon.

Bumalik sa kanya ang araw na nagkausap sila sa RC. It was the day she bared all her feelings and all he did was laugh. Nang ulitin niyang mahal niya ito, nagpasalamat ito. The jackass actually said thank you!

The day she decided to tell him about what she felt was the very same day he closed his heart from her. I'd like to fall in love again. Pero sorry, Bride. Hindi sa'yo. She became a better woman for him. He became a better man for another.

Hindi iyon alam ng mga kapatid niya. Hindi rin iyon ang rason kung bakit bina-blind date siya ng mga ito. They just love making her feel miserable. And she can't believe she loved them for that.

She applauded herself on how she was able to handle the five months normally. Hindi napansin ng triplets na may nagbago sa kanya. Kahit ang mga kaibigan niya ay hindi napuna. Pwera lang kay Posy na napapansin ang lahat. Minsan ay pakiramdam niya, bilang ni Posy ang heartbeat niya. Alam niya ring nahahalata iyon ni Maji pero hindi lang nito pinupuna.

"Magaling 'tong tatlong 'to, Bride. Mas malala sila kesa sa'min ni Majimbo," pakli ni Posy. Majimbo ang pang-asar nito kay Maji.

"Pagkakitaan mo kaya? Gawan mo ng matchmaking business," pagsang-ayon pa ni Maji.

"Ate, ano ba mas gusto mo? Iyong buff o iyong heartthrob?" tanong ni Bonnie mula sa pag-uusap nila ni Bea.

Si Posy ang sumagot. "Basta may testosterone na gumagana, pwede na."

Kumibit-balikat lang si Bonnie saka bumalik sa pakikipag-usap sa katriplet nito. Nasa Maria Esmeralda Resort sila. They go there every summer, gathering as one family; which includes Posy, Maji and her brother Brent, at ang asawa nina Bonnie at Bea na sila Sven at Alex. Wala pa si Barbara doon dahil may inaasikaso pa raw ito. Ito ang mga taong naging pamilya nila throughout the years. Secrets were always not allowed among them. 'Pag may issue o problema ang isa ay agad nilang pinag-uusapan. And apprantely, kasama sa issues na iyon ang lovelife niya.

"Ayoko nang makipag-blind date, Bonnie, tigilan niyo na iyan," sa wakas ay wika niya.

"Tumigil ka, Ate. Hindi kami titigil ni Bea hangga't hindi mo nahahanap ang para sa'yo," ani Bonnie.

"Mahigpit ang tiwala namin kay Lord. Kaya tutulungan namin si Lord na makita ang prince charming mo." Si Bea.

"Eh ayoko na nga! Sawang-sawa na ako sa mga blind dates na isine-set niyo. Some of them don't possess brains. Yung iba, puro hangin lang. Wala naman kayong sine-set na totoong tao."

Huminga si Bonnie, isang signus na naiistorbo niya ang concentration nito sa pinaplano. "Let's vote. Sino rito ang gustong i-blind date si Ate Bride?" Si Bonnie lang at si Bea ang nagtaas ng kamay. Pinanlisikan ng mga ito ang mga asawa na napatirik naman ng mga mata saka nagtaas ng kamay. "Four against three. Nanalo kami," anito saka bumalik sa pagpaplano.

Run Away, Bride (as published by Lifebooks) - CompleteOnde histórias criam vida. Descubra agora