Act 12

7.4K 77 14
                                    

Ngayon lang nakapag update..

dami kasi gawain eh, sunod sunod.. pasenxa na.. Takas update lang to kaya super iksi lang eheheh..

^____^ enjoy reading

LOVE LOVE LOVE

-Kino

_________________________________________________________________________________

[Sam's POV]

Nandito kami ngayon sa Starbucks dito sa mall..

Ayieeee bakit kinilig ako bigla nung nakita ko si Tyler at si Princess?? Bagay sila no?? Mala diyosa ang ganda ni Princess tapos, hayop naman sa kagwapuhan si Tyler. RAWR!!

Pero bakit ganun mukhang wala sa mood si Tyler?? Eh diba dapat masaya pa siya kasi nagde-date sila ni Princess. Baka naman ayaw niya ng double date? Baka gusto niya eh, silang dalawa lang ni Princess?? Ayeeeeee humaharot si Tyler.

Alam ko na..

"Ah Princess wait lang ah may bibilin lang kami ni Aian.." napatingin sa akin si Aian.. Na parang nagtatanong..

Tapos hinatak ko si Aian papalabas ng Starbucks..

"Anong bibilin??" nagtataka si Aian..

"Ah, wala excuse ko lang yun.."

"Ha? Eh bakit naman??" napakamot siya ng ulo..

"Eh hindi mo ba napansin? Mukha kasing wala sa mood si Tyler eh.. Baka gusto niyang ma-solo si Princess.." natawa si Aian sa sinabi ko..

"Adik, hindi yun dahil doon.."

"Eh paano mo naman nasabi?"

"They're just good friends, alam ko naging sila dati, kaso hindi nag-work. Parang mas feel nila na friends na lang sila.." Hala may ganun palang eksena sa buhay nilang dalawa..

"Oh?? naging sila?"

"Yep.."

"Eh kung ganun nga eh, bakit parang wala sa mood si Tyler?"

"Malay ko din.."

"Ah ganun.. Eh so aanu na tayo nito?" tanong ko sa kanya.

"Malamang dapat pagbalik natin dun eh may bitbit tayong binili.." Tapos maya maya napatitig sa akin si Aian, "Teka baka naman niyaya mo lang ako papalabas eh dahil gusto mo akong ma-solo.." tinaas ni Aian yung shades niya sabay ngiti siya saka kindat..

"Feeling ka ah.." pero alam ko sa sarili ko na nagbblush ako.. Buti na lang hindi niya pansin yun naka-shades siya eh.. BTW nasabi ko na ba sa inyong ang hot hot ng daddy ni Saian ngayon? Sige aaminin ko partly eh gusto ko siyang ma-solo bwahahahah HAROT ko wahahah.. "Naku nga tara na, bili mo na lang ako ng cotton candy.."

"Hala, bakit ako? Eh ikaw nagyaya, ako ilibre mo.." ^____^ kuripot nitong lalaki na to!

"Aba diba ikaw nagyaya sa akin dito sa mall..? Kaya ililibre mo ako sa lahat.. bwahahaha." nag pout ako..

"Cute cute mo!" kinurot niya yung pisngi ko.. "Wag ka mag pout baka di ko mapigilan sarili ko, halikan kita hahaah.." O___O ayan inalis ko tuloy pagkaka-pout ko..

"Uhm speaking of kiss.. Ano nga pala ang nangyari sa inyo nung paparazzi?" Hindi ko na din kasi alam kung ano ang nangyari eh, nung pagbalik kasi ni Aian sa kotse, mukhang na badtrip siya ,kaya hindi ko muna kinausap. Hanggang sa makarating nga kami dito sa mall..

"Oh that.. Ala sinira ko DSLR niya.. Nainis kasi ako eh.. " Hala naiinis pala tong si Aian.. Paano kaya to mainis naiintriga ako..

"Ah ganun.." patuloy lang kami sa paglakad papunta sa tindahan ng cotton candy..

"Uhm Sam.."

"Bakit?"

"Can I hold your hand?" waaaaaaaaaaaaaaaaa.. Bakit kinilig ako bigla??

"O-oo naman.." ngumiti siya tapos hinawakan niya ang kamay ko.. Pero hindi kami nagtitinginan.. First time ko makitang ganyan si Aian. Nagbblush pa kamo siya habang hawak niya yung kamay ko, ang kulit lang ahahahahah

Bakit feeling ko nagbblush din ako? Dapat sanay na ako sa presensya ni Aian eh.. Eh si Aian lang naman to, saka magkahawak lang naman ang mga kamay namin ah?? Enebenemenyen.. Kinikilig ako bakit ganun??

HHWWMPSSPG= holding hands while walking may pa sway sway pang ganon.. BWahahahaha.. Cute!!! Wahahah..

[to be continued]

______________________________________________________________________________

Pasensya na po kung maiksi, babawi talaga ako sa nnext chapter eheheh

Please comment, need ko po ng feedbacks at suggestions.. ^____^ thanks...

I love you all!!!

Behind the Scenes (Completed)Where stories live. Discover now