Behind the Scenes

39.6K 317 46
                                    

Sabi nila sa movies ko lang daw makikita ang TRUE LOVE..

Parang gusto ko na ngang maniwala..

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"I often close my eyes 

And I can see you smile

You reach out for my hand

And I'm woken from my dream"

"And every night

I lie awake

Thinking maybe you love me

Like I've always loved you"

Ayan ang mga favorite lines ko sa lyrics ng Kiss The Rain. Nakakarelate kasi ako. Pero wala akong boyfriend wala din akong special someone. Pero meron akong idol! Si Lance Patterson! Isa siyang super hot na hot filipino-american na actor, model and singer. Super fan niya ako! Napanuod ko ang lahat ng movies niya, sa opening night pa lagi ah. Tapos pag may concert siya lagi akong present, front row pa! Tapos pag may TV guestings siya lagi akong updated.

Pero sino ba naman ako sa kanyya? Ni-hindi nga ako nag-eexist sa buhay niya eh, Isa lang akong hamak na fan. Ako lang naman ang president ng fans club niya. Ako lang naman ang admin ng mga facebook page ng sumusuporta sa kanya. Ako lang naman ang taga-send ng death threats sa mga haters niya! Pero maiikukumpara mo pa din ako sa isang patak ng tubig sa pacific ocean. At ang pacific ocean ang kabuuan ng lahat ng fans niya. O diba? I'm just me..

And every night, I lie awake thinking maybe you love me like I've always loved you. Masyado akong feeling. Eh anong magagawa ko. Na-in love ako sa isang tao na never kong maaabot. Masyadong mataas standards ko no? Superstar material. Malamang tatanda na akong dalaga nito.. T_T

Aba teka ang dami ko ng sinasabi, hindi pa pala ako nagpapakilala..

Ako nga pala si Sam. Isang first year college student, pero dapat second year na ako. Nagkasakit kasi ako sa respiratory system kaya naghinto ako ng one year. I'm a frustrated actress. Pangarap ko kasing makatambal si Lance. Kaso walang pag-asa eh.

Sumali na ako sa star struck,star circle, at kung anu-ano pang star para madiscover. Pero mukhang ayaw sa akin ng spotlight, pang backstage lang ata talaga ang beauty ko.

Bueno masyado na akong madaldal... On to the first act!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ito po yung story na ni-delete ko nung una.. medyo minodify ko..=) please support this! =) Thanks!

Behind the Scenes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon