Hit 21~ The Break Up

7.3K 60 9
                                    

"Yano, totoo bang magpapakasal na sina Monique at Jin?" tanong ni Mia. Pauwi na sila ngayon ni Yano sakay ng kotse.

Napatingin sa kanya si Yano.

"Kung matutuloy ang kasal nila, siguradong masasaktan sina Rina at Ivan," dagdag pa ni Mia.

"Ano bang pakialam ko!" pabalang na sabi ni Yano bago ito dumiretso ng tingin.

"Sa pagsagot mo parang wala kang malasakit. Hindi ka ba nag-aalala para sa mga kaibigan mo?"

Hindi pa rin kumibo si Yano.

Tumungo na lang si Mia. Wala rin namang saysay kung ipagpapatuloy niya pa ang pakikipag-usap kay Yano.

Pagdating sa bahay, diretso na agad si Mia sa kuwarto.

Bigla niyang naisip si Rina. Naalala niya iyong unang beses na nagka-usap sila

"Kapag Yamato ka, asahan mo na mapipilitan kang magpakasal sa taong hindi mo mahal."

Sinabi iyon dati ni Rina.

Noong una ang akala niya sina Monique at Jin lang ang tinutukoy niya, mali pala. Para sa lahat pala ang pangungusap na iyon.

Kailangan kong kausapin si Rina!

Dali -daling kinuha ni Mia ang kanyang cellphone. May mga text messages galing kay Nino pero hindi na muna niya binasa. Idi-nial na niya agad ang number ni Rina.

Rina... sagutin mo.

Hindi sinasagot ni Rina.

Rina... bakit ba ayaw mong sagutin?

Patuloy ang pag ri-ring ng phone ni Rina.

Napangiti si Mia nang sa wakas ay sagutin na rin iyon ni Rina.

"Rina--" Naputol ang sasabihin ni Mia nang biglang dumating si Yano. Kinuha kasi nito ang kanyang cellphone.

"Teka! Ibalik mo 'yan!"

Tinanggal ni Yano ang battery ng cellphone.

"Ano ba! Huwag mong pakialaman ang cellphone ko!" angil ni Mia.

Tiningnan siya nang masama ni Yano.

Dito na natigilan si Mia. Para kasing nakakita siya ng mabangis na leon sa gubat.

"Kung binabalak mong makigulo kina Rina, 'wag mo nang ituloy," malamig na wika ni Yano.

Hindi nakapagsalita si Mia.

"Pansamantala akin na muna 'tong bulok mong cellphone," dagdag ni Yano bago tumalikod

"Teka!" habol ni Mia. Sa wakas ay nagawa na rin niyang magsalita

Nilingon siya ni Yano.

Muling natahimik si Mia dahil nakita na naman niya ang nag-aapoy na tingin ng lalaki.

"Magpahinga ka na. Masama sayo ang mapagod," sabi ni Yano bago ito tuluyang umalis.

Naiwan akong parang bato.

Bakit ba ayaw niyang kausapin ko si Rina? Nagtataka si Mia.

Oo, napatahimik siya ng mga tingin nito kanina, pero hindi pa rin siya susuko.

Napatingin siya sa closet ni Yano. Kung hindi siya nagkakamali doon inilalagay ng lalaki ang cellphone nito. Baka sakaling hindi iyon nadala ni Yano. Baka sakali lang naman.

Pagbukas ni Mia ng closet...

Bingo!

Nandito nga ang cellphone ni Yano.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon