EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day2: part2)

95 1 0
                                    

<Continuation>

5

4

3

2

1

"Hala ayoko na talaga,, Kumain na tayo... di na naman ata sasabay si Peter" sabe ko..

Kainins ba naman,, nagpromise tapos di tutuparin,, di naman sa nageexpect ako,, kaso diba.. ako tong nagiisip na baka magalit siya pagindi ko siya inintay pero yet siya tong di ata alam ang nararamdam ng taong nagiintay... gets mo? di ko gets sinabe ko eh.. magulo eh..

kanina pa ako nagiintay dito,,, kasama yung dalawa kong kaibigan,,

"Anya,, wag mo naman kame idamay,, gutom na ako..." sabe ni Nadine na nagmamakaawang pakalwan ko na sila..

Hawak ko silang dalawa, aba,, para sure.. ayoko kaya kumain ng magisa,, para kung sakaling di nga sumipot si Peter eh kasama ko naman yung dalawa kong kaibigan. 

"Wag kayong magulo dyan,,, yaan niyo pagdumating si Peter,,, sagot niya lunch natin"

"Umm.. Anya,, correction lang,,, sagot niya lunch mo... indi 'natin' " sabi ni Ziela na nakaupo lang..

"Anya naman,, ano ba.. di pa ba nagtetext.. sabihin mo una na tayo kumain.. check mo yung time oh,,, patapos na yung lunch.."

Tumingin ako sa Orasan,, konting Oras nalang ang nalalabing oras ng lunch time,, hunyangong kalabaw naman kasi tong si Peter? ano kaya nanyare dun at wala pa siya hanggang ngayon... Makukutusan ko yun eh..

"OO na,, oo na... walangyang lalakeng yun.."

Kinuha ko yung Cp ko at nagtext kay Peter,,

HOI,, Lalake... Una na ako kumain,, iniiintay kita pero an tagal mo,, GUTOM NA KO!!

--ANYA

SEND!!

"Yan tara na.. bahala siya..."

Nagdaretso kame sa canteen,,, medyo konti na yung tao.. natural patapos na lunch,, at ngayon lang kame kakain gawa nung lalakeng henyong garapatang yun...

Umupo kame sa may kainan,, at bumili ng lunch,,, ng biglang nagbell na meaning eh tapos na yung lunch.. letseng buhay..

"Patay tayo.. pano yan..?" tanong ni Ziella

"Yaan niyo kain lang tayo... wala pa prof natin,, late lage yun..." sagot ko..

"Nako,,, Anya ha,, pag tayo napagalitan lagot ka talaga sakin.."

"Wow.. di ka pa ba sanay dun? suki ka nga ni Sir Bermudez,,,"

Sir BErmudez, siya lang naman ang prof namen sa Philosophy,,, lage yun late,, minsan darating eh patapos na ang klase,,, ganun siya kaastig na prof,, isa nga yun sa mga favorite na Prof ko kasi lage siya wala,,, pero pagnaeksaktuhan kang nagdun siya at ikaw ay late,, lagot ka,,, ipapadala ka na niya sa impyerno dahil sa mga mahahanghang na panlalait at pagpapahiyang gagawin niya sayo.. well,, di pa naman ako nagiging biktima nun,, tanong niyo si Nadine,, favorite kasi ni Sir Bermudez si nadine na sermunan..

PAgkatapos namen kumain eh nagdaretso na kame sa Room namen,,, padahan dahan kameng pumasok/ nakayuko..

"Hoi,, ano ginagawa niyo?" tanong nng isang lalakeng classmate namen.

Tumingin ako sa paligid,,, nakatingin ang lahat sa amin,, na tipong nagtataka samen,, chineck ko kung nagdun yung prof,,, at kaswerte swerte nga naman,,, ahaha.. wala siya..

My 3 Days Boyfriends (M3DB) -SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon